"kabeeyne, ano una na ako? kita tayo mamaya ha. magiingat kita. si eros wag mong kakalimutan."
"oo beewi. galingan mo sa exam kayang kaya mo yan. may reward ka sakin pag pasa ka sa lahat ng subjects. magiingat ka din, mamahalin pa kita."
"cheesy mo kabeeyne!"
"pinakikilig kita ayaw mo pa para nga naman mainspired ka sa pageexam mo mamaya"
"oo na sya sige!"
"teka lang winter!"
"ano na naman?"
"may krispy kreme ako dito, oh kunin mo. kainin mo mamayang recess nyo."
"salamat! ang sweet sweet mo talaga" sabay flying kiss ko sa kanya at kaway
as usual inihatid nya ako dito sa school. nakakaexcite na magexam!
--
Time check: 9:49
dadating na si maam in 3.. 2.. 1..
"good morning class."
"gooooood moooooorning mrs. Cruzat."
"sit down. nakahanda na ba folders nyo?"
"opo" sagot ng pabebe kong kaklase.
ganadong ganado ako ngayon busog na busog ang tiyan, mata, puso at higit sa lahat ang utak ko. kaya, kaya ko nang makipagtuos sa exam na ito. ready na. umiikot na si mrs. Cruzat namimigay na ng test papers. english ang unang subject.
"thank you maam" at sa wakas nakarating din saakin ang papel ko.
--
naglalakad na ako papalabas ng classroom ngayon at kasama ko si harry dahil nga sa pinangako ko na pupunta kami sa babrequet ni mang kanor at ibp. para masimulan na ang short film na gagawin namin.
"nasan na kasi yung mga bestfriend mo?"
"andun nga kasi sa pink cafe! pag wala dun ewan ko na lang, basta pupunta sila dun"
"naiinip na ako, pero masaya naman ako at kasama kita."
"umayos ka nga"
nakakaani na itong si harry. pero infairness cute sya pero di ko sya type. may kabeeyne na ako.
"ayos naman ako ah." sabi nya habang nakatingin sakin
"oo na ayos ka na." sangayon ko.
"winter, eto nga pala oh para sayo"
"cupcakes?"
" i made that for you."
"nako harry di mo na kailangan pang mag abala"
"para sayo talaga yan"
tumigil muna kami dito sa canteen dahil sa cupcakes. feel ko andun na sila bes, may nakita na kasi akong kaklase nya dito sa canteen.
"im sorry. pero harry, baka isipin mo lang na pinaaasa kita."
"wala ba talaga akong pagasa? hinintay kita. noon pa. kahit nung boyfriend mo pa si adrian mahal na kita. pero nagparaya na ako para sa kanya."
"sorry pero i already like someone else."
"it hurts. bakit ganun kahit gaano mo kamahal ang isang tao hinding hindi pa din sya mapapasaiyo pero sige. tatanggapin ko na lang siguro. basta magiging masaya ka sa desisyon mong yan. tara na."
"im sorry. di mo ako deserve. may taong mamahalin ka din. yang worth it para sa love mo. hindi lang ako ang kaya mong mahalin. yan ang tandaan mo harry. wag ka sanang maawkward. pwede pa din naman tayong maging magkaibigan"
naglalakad na kami ngayon papalabas ng campus. hawak pa din ni harry yung cupcakes na para sakin.
"sana nga. may magmahal pa saakin" pabulong nyang sabi.
"cute ka at mabait. malabong walang magkagusto sayo, magtiwala ka lang."
nasaktan ko si harry. pero mas mabuti na yun kesa paasahin ko sya. papasok na kami sa cafe at nakita ko na ang dalawa kong bestfriend na nakaupo sa loob
"hi winter!" bati ni coleen.
"hello. kamusta ang exam? easy ba?" sabay upo namin ni harry sa table nila.
"oo naman. easy as cupcakes! cupcakes! para kanino yan?" sagot ni veeia.
nakita ni veeia ang cupcakes. binuksan nya agad ito at kinagatan. nagulat kami ni harry sa nangyari
"hindi kay winter yan veeia!"
"oppss. sorry." sabay balik sa mga cupcakes.
"sige kainin nyo na okay lang naman, ako ang gumawa nyan. masarap ba?"
"sobrang sarap! thank you! ikaw yung harry diba? partner ni winter sa short film."
"yeah ako nga." malungkot na sabi ni harry.
"ako nga pala si veeia, at eto naman so coleen. magkaklase kami. sa kabilang building classroom namin."
"ahhh."
"hoy winter may problema ba yang friend mo?"
"oo. malaking problema."
"kawawa naman"
"winter si kayne oh! ayun!" sigaw ni coleen habang tinuturo yung daliri nya sa labas.
SI KAYNE?! MAY KASAMANG BABAE?! aww. kaholding hands pa nya talaga.
"yun ba boyfriend mo winter?"
"di ko pa sya boyfriend" sagot ko kay harry.
"bes! akala ko ba hapon pa uwi nya?" tanong ni veeia
"ewan ko ba. di ko din alam. hayaan nyo na sya"
"aww bes lumampas na sya dito sa cafe." sagot ni coleen.
maganda yung babaeng kasama nya. nakauniform din gaya nya. magkaklase siguro. ang saya saya nila. sobrang sakit.
"pagusapan na natin ang mangyayari sa short film."
"sige." sagot ni harry.
hindi na lang nila pinansin si kabeeyne at tumingin na silang lahat saakin.
"pupunta tayong batangas after exam. pagkalabas natin, uuwi na agad tayo. tapos magtatagpo tayo sa barbequet ni mang kanor sa may Fidel St. sa hapon. pupunta tayong resort. andun kasi yung may ari. dadalhin tayo sa batangas nung anak nung may ari. 1 week tayo dun. sabihin ko na lang sa inyo bukas ang iba pang details."
"resort? masaya dun!"
"oo nga!" sangayon ni coleen kay veeia habang inuubos yung cupcakes ni harry.
"so ano uwi na tayo? mag aral na ulit kayo pag uwi."
"okay bes. ingat!"
"kayo din magiingat." sabay kaway ko sa kanila
lumabas na kami ng cafe. nakasakay na din sila bes ng jeep. kami na lang ni harry ang nakatayo dito sa labas.
"winter saan ka nakatira?"
"ah dyan lang walking distance lang"
"hatid na kita." aya nya.
"hindi na. okay na ako"
"ipinagpalit ka na ba nung boyfriend mo?"
"di ko pa nga kasi sya boyfriend."
"oo na hindi na so, ipinagpalit ka na nga?" paglilinaw nya.
"di naman ako kanya at di sya akin kaya hindi ko masasabi na ipinagpalit na nya ako. umuwi ka na"
"itext mo lang ako pag may problema."
"sige."
naglalakad na ako pauwi. bakit ba ako nasasaktan? bakit may kasama syang babae? akala ko ba ako ang gusto nya. hindi ko sya maintindihan. nagkamali na naman ba ako?
**
BINABASA MO ANG
ESCAPE
RomansaAko si Winter, isa lang din ako sa mga babaeng nag hahanap ng prince charming. pero hanggang saan ko kakayanin ang lahat kung palagi na lang pumapalpak ang lovelife ko. nung nakilala ko si kayne naging masaya ako. sya na kaya yung hinahanap ko? o gu...
