kailangan ko ng maitago ang lahat ng ito. kailangan ko ng kalimutan kung ano mang meron tayo noon, lahat ng memories kailangan ko ng ibaon.. itatago ko lahat ng ito sa isang box. at hinding hindi ko na ito bubuksan.. move on na ako..
"Winter! anak! andito sila veeia at coleen sa baba"
"opo ma, bababa na po ako"
aba nakakapagtaka naman at andito silang dalawa may emergency ba? magkasama lang kami kanina ah bakit kaya andito na ulit sila?
"Hayieeeeeeee bessy! pinayagan kami ni tita na makitulog dito"
"winter dun na kayo sa taas maghahanda na ako ng kakainin natin mamayang gabi"
"thank you po tita!"
hmmm. i smell something fishy sa dalawang ito. parang may masamang balak. andito na kami sa kwarto ko may double deck at isang kama pa ako kaya kasya kami dito.
"oh well. anong pakulo na naman to guys?"
"winter andito kami kasi may naisipan kaming gawin para sayo"
"ano na naman yan? diba may klase pa tayo bukas? hapon na ah. baka hinahanap na kayo sa inyo"
"sorry pero nakapagpaalam na kami"
"nakapagpaalam?"
"slumber party!!"
"talaga? hoy kayong dalawa niloloko nyo ba ako? ikaw Veeia di ka ba hinahanap sa inyo? strict pa man din parents mo"
"ano ka ba! wala sila mama at papa nasa business trip sila since wala akong kasama sa bahay sinabi ko na lang na dito muna ako sa inyo"
"bakit winter ayaw mo ba? uuwi na lang kami"
"ano ba kayo syempre gusto ko pero nagaalala lang ako sa inyo. at coleen paano ka pinayagan ng lola mo?"
"sinabi ko lang na dito ako tutulog, well pinayagan naman nya ako umuwi din kasi yung tita ko so ayun andito na kami hahahaha. surprise!"
"ahhhh sige. ilabas nyo na uniform nyo plantsahin na natin tapos after natin kumain at maglinis ng katawan slumber party is on!!"
"oh yes!"
abala na ako sa pagaayos ng kwarto kung ano ano ginagawa ng dalawang ito ang daming dala dalang damit, dito ba sila titira? well happy ako at andito sila may makaka jamming din ako. madilim na sa labas nararamdaman ko na ang malakas na hangin mula sa bintana. mamaya tambay na lang kami sa terrace at magkakape.
"time check 7:30 game magplantsa na kayo! mauna ka na coleen"
"easy easy! hahahaha excited ka masyado. eto na"
"sige mag plantsa ka muna dyan leena oopen lang ako ng lappy may papakita ako kay winnie"
"anong kaekekan yan veeia? tinatawag mo na naman kami ni coleen sa nickname namin may masama ka bang balak?"
"ano ka ba winnie wala ito. yes! lapit ka dito may pakikita ako sayo! daliiii!"
"eto na po, oh sino yan? bago mong jowa?"
"hindi no! pero, pogi ba?"
pogi naman yung nasa picture pero anong business ni veeia dito? wag naman sanang tama ang iniisip ko, di pa yata ako handa o natatakot lang ako, ewan ko ba sa sarili ko. magulo.
"facebook yan teh! malay mo naman ibang tao yan uso kaya ngayon yung fake accounts"
"alam mo winter totoong tao yan! maniwala ka dyan kay veeia"
![](https://img.wattpad.com/cover/51682004-288-k911935.jpg)
BINABASA MO ANG
ESCAPE
RomanceAko si Winter, isa lang din ako sa mga babaeng nag hahanap ng prince charming. pero hanggang saan ko kakayanin ang lahat kung palagi na lang pumapalpak ang lovelife ko. nung nakilala ko si kayne naging masaya ako. sya na kaya yung hinahanap ko? o gu...