"ano mga bes? okay ba sa inyo?"
"winter okay lang saamin. pero, wag ka muna papaligaw dun. ha? sabihin mo din ito kay tita. ligawan nya muna si tita. pati kilalanin nyo pa ang isat isa. tapos darating din naman ang time na mag liligawan na kayo pero wag ngayon ha?"
"oo nga winter! baka mamaya eh kakaiba pala yang si "kabeeyne" mo. maganda na yung sure diba?" seryosong sabi ni coleen.
"opo mga maam!"
"oh sya sya. alis na tayo at may pasok pa. susunduin ka ba ni kayne?"
"oo. why?"
"wala lang. magiingat kayo ha? ingat tayong lahat. byeeeee"
nakipag video call ako kila bes via skype. 9:00 na mamaya andyan na si kayne. nakakain na ako. aantayin ko na lang sya. sasabihin ko kay mama ang about dito kay kayne mamaya pag uwi ko.
--
"kabeeyne!"
"good morning beewi" sabay ngisi.
"kamusta? buti at nag reply ka na kagabi"
"sabi ko naman sayo. eh!"
"asan ang mama mo?"
"ah andun sa loob tumulog ulit"
"sayang ipagpapaalam pa kita. ano lets go"
"tara."
naglakad na kami ni kayne. ang sarap sa feeling komportable ako kapag kasama sya. sya na ba yung prince charming ko? yieee.
"beewi, pwede na ba kitang ligawan?"
"wag muna."
"sige naiintindihan ko"
"thank you ha. thank you at di mo ako pinipilit. mahaba pa naman ang pagsasamahan natin."
"wala yun. basta kasama kita sapat na sakin yun. maswerte ako at nakakasama kita at nakakausap. pero syempre gusto ko din na matawag kang akin. it sounds selfish but i really want to have you"
"kabeeyne. maghintay lang tayo. darating yan sa tamang panahon"
"i know. by the way, take this"
"bracelet? anong meron? di ko pa naman birthday"
napatigil ako. ang ganda. sobra. silver bracelet na may heart sa gitna. pero di ko need ng mga ganito. bakit naman kaya may ganito pa?
"wala naman, its just you're special to me"
"thanks but.." pagaalinlangan kong sabi.
"beewi please take this, for me."
"okay"
oh my.. bigla nya akong niyapos. siguro nga gusto nya talaga ako.
"give me your hand. isususot ko sayo"
"sure kabeeyne" sabay ngiti ko sa kanya
--
nandito ako ngayon sa cr. nakaupo sa bowl. lunch namin ngayon. snacks lang lagi binibili ko. nakakatamad magkanin eh. maayos naman ang umaga ko walang gulo gulo. nakikinig na ako sa lectures para naman di ako mapahiya kay kabeeyne kapag nagpapaturo ako.
"may narinig ako kanina" pabulong na sabi ng babae sa labas ng cubicle.
sino kaya yung mga yun? makikichismis muna ako dito. hahahaha
"nasa ibang bansa na daw si adrian."
"talaga? san mo narinig yan?"
"di ko na tanda eh. pero promise narinig ko talaga yun"

BINABASA MO ANG
ESCAPE
RomanceAko si Winter, isa lang din ako sa mga babaeng nag hahanap ng prince charming. pero hanggang saan ko kakayanin ang lahat kung palagi na lang pumapalpak ang lovelife ko. nung nakilala ko si kayne naging masaya ako. sya na kaya yung hinahanap ko? o gu...