Nine.

33 5 0
                                    

sa wakas! nakauwi din sa bahay. di ko padin alam kung bakit may pasa ito. sumigaw ba naman sa daan na masakit daw mukha nya. edi syempre di ko na kinulit pa.

"bakit ka kasi nakikipag away! ha?" sabi ko habang itinutuon ko sa pasa nya yung ice pack

"im sorry. pero sila ang nauna. nananahimik ako tapos bigla na lang akong sinuntok"

"ano ba kasing nangyari?"

"eh kasi naman may dalawang babae na lumapit sa akin. ka group ko sila sa lab tinatanong lang ako about dun sa magiging experiment namin. eh ang akala ng mga lalaking yun ay nilalandi ko yung dalawa wala daw akong karapatan. masyado daw akong pasikat. kaya ayun sinuntok ko. syempre dinefend ko sarili ko"

"ay sya sya, kalma! buti at yan lang inabot mo. paano kung di ka na nakatayo sa suntok ng mga yon edi na issue ka pa. saan ba naganap yan?"

"dun malapit sa pink cafe."

"kaya naman pala ang tagal tagal mo, oh hawakan mo na itong ice pack. kukuha lang ako ng makakain natin"

aba loko yun ah. hayss. ikakain ko na lang ito. ano ba ang kakainin namin? kabababa ko lang galing terrace. well, nasa ref ako ngayon ano bang masarap? cheetos? pizza? pizza at cheetos na lang hahahaha.

"kabeeyne kain tayo" aya ko.

"ang lamig ng pizza." reklamo nya.

"malamang lamang galing sa ref yan e"

"ayaw ko."

"edi akin na lang lahat ito. madali akong kausap"

"ala oy. sorry na beewi. penge ako"

"oh" sabay bigay ko ng slice ng pizza.

"review na kita ngayon. para pagkatapos natin sa math ay makapag happy happy na tayo"

"happy happy?"

"i mean gala. pupunta tayo anywhere"

"gusto mo mag gala?"

"oo naman."

"well may good news ako sayo"

"ano?" sabay kagat nya sa malamig na pizza.

"kasi may activity akong kailangang gawin. magiinterview sa isang negosyante at itatanong kung paano nabuo yung kanilang negosyo tapos gagawing short film. by partner yun. si harry kapartner ko. punta tayo mamaya sa barbequet ni mang kanor at ibp. yun napili kong place magpapaalam lang tayo dun mamaya para mainterview natin yung may ari bukas. ano game?!"

"game!"

"2 weeks lang ang gawaan kaya kailangan natin agad magawa yung short film"

"bakit ako kasali?" pagtatakang sabi ni kabeeyne.

"syempre tutulungan mo ako. marunong ka ba mag edit ng video? ano gusto mo mag edit o maging actor? pili ka sa dalawa"

"mag eedit na lang ako. im shy. baka maexpose kapogian ko. maging heartthrob pa ako sa school nyo, mahirap na baka dumugin ako."

"HAHAHAHA! baliw! pero good, ikaw na ang mageedit. magdala ka na ng sariling laptop okayy?"

"oo naman. tara na magreview hapon na! para makapunta na tayo sa barbequet ni mang kanor at ibp." sabay ayos nya sa mga gamit ko

"okay sir!"

inalis ko na ang mga kalat at inihain ang libro at mga scratch para sa math. whoooo!

--

"magandang hapon po, pwede po ba naming makausap yung may ari"

"bakit ineng may problema ba?"

"ah nako, wala po. iinterviewhin lang po namin. para po sa school activity"

ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon