"picture namin ni kayne" mahinahon kong sabi.
"sabi nya sakin hindi kayo, totoo yun diba? walang kayo!"
"oo haydee, hindi kami."
"eh bakit ganito kayo kasweet ha? may normal ba na magkaibigan na ganito magpapicture!" gigil nya.
"im sorry haydee. wag ka ng magalit sakin pwede tayong maging magkaibigan diba? mas okay yun kesa ganito tayo."
"ayoko sayo! malandi ka!"
"haydee.."
"ano sinagot mo na agad kapatid ko?! dahil walang wala ka na ganun yun diba? dahil nakipagbreak sayo yang si adrian!"
"ang sakit mo naman magsalita. bakit mo kilala si adrian?" kilala ba talaga nya si adrian?
"kwintento sakin ni kayne, so ano bulgar na sikreto mo! na rebound mo lang si kayne!"
"hindi, hindi totoo yan.." sa sobrang sakit napaiyak na lang ako.. hindi yun ang intensyon ko kay kabeeyne. patakbo akong lumabas ng pintuan. papunta na akong cr ng bigla akong may nabangga.
si kabeeyne.
"beewi what happened?"
"wala, wala ito."
"anong wala?! sabihin mo bakit ka umiiyak!" sigaw nya.
natatakot ako sa kayne na nasa harap ko, at dahil dun mas napaiyak ako.
"im sorry beewi." sabay yakap nya sakin.
"okay lang wala ka namang kasalanan"
"sumama ka sakin"
hinila nya ako di ko alam kung saan nya ako dadalhin. nasa pataas na lugar ito bundok.
"beewi okay ba? surprise."
palagi na lang ako sinusurprise nitong si kabeeyne. nandito kami sa magubat na part pero bakit ang daming bells na nakasabit. ang lakas ng hangin kaya tumutunog ang mga ito tapos may upuan sa tabi nito malapit sa puno ng niyog.
"kabeeyne. ang ganda dito. paano mo nakita to?"
"ginawa ko yan ang dami kasing bells dun sa lobby hiningi ko lang kay mang kanor. gudto ko talaga ipakita sayo to. kaya wag ka ng umiyak, ayaw ko na umiiyak ang taong mahal ko"
"sure ka ba na mahal mo ako?" tanong ko.
"oo naman. ikaw ang unang babae na nagpa in love sakin ng ganito ewan ko nga, na fall yata ako sa kakulitan mo" sabay pisil nya sa pisngi ko.
"aray naman. ikaw talaga, baliw ka din ano?" sabay batok ko sa kanya.
"mahal mo din naman ako diba? diba?!"
"hoy! abnormal ka. wala akong sinasabing ganyan, ano ka ba? baliw talaga."
"binibiro lang kita. pero pogi naman ako diba? heart throb nga ako sa school namin"
"talandi ka lang kaya madami nagkakagusto sayo"
"talandi? hindi no. mr. medtech yata to"
"asa ka pa!" sabay halakhak ko.
"pinapatawa lang kita. yan oh nakikita ko na ngipin mo"
"etchos ka."
"teka nga pala, bakit ka ba umiiyak nung nakita kita?"
"wala yun"
"ano nga kasi?"
"na lock ako sa pintuan. tapos may nagparamdam na something parang mumu, umiyak na lang ako. buti naka escape ako."
BINABASA MO ANG
ESCAPE
RomanceAko si Winter, isa lang din ako sa mga babaeng nag hahanap ng prince charming. pero hanggang saan ko kakayanin ang lahat kung palagi na lang pumapalpak ang lovelife ko. nung nakilala ko si kayne naging masaya ako. sya na kaya yung hinahanap ko? o gu...