Part 1

559 49 52
                                    

Xyrene's Pov

They say that this is the most un-forgettable time and moment of your life.

Highschool? Dito mo mararanasan ang pagiging isang kabataan.

May oras na masaya. Kasi magkakaron ka ng mga bagong kaibigan na iba't ibang klase ng ugali. May totoo at stempre may plastik.

Malungkot din, kase maaaring dito mo rin maranasan ang umibig, paasahin at masaktan sa isang taong minahal mo ng sobra.

Sa mga sinabi nilang yan na narinig ko na ng ilang beses. Alam kong totoo lahat yon kasi naranasan ko ng maging masaya at malungkot.

Naranasan kong mahalin ako nang taong hindi ko aakalaing mamahalin ako ng higit pa sa binibigay ko.

Malungkot din kase bigla na lang
siyang nawala ng hindi namin inaasahan at ganun kabilis. Pero alam kong may dahilan si God kaya nangyari sa amin yon.

Isang araw.

Flashback:

"Patawarin nyo ko. Hindi ko naman po gusto na mangyari 'to e." Ako habang balot na balot ng dugo yung ibang parte ng katawan ko.

"Umalis ka na! Sabi ko na nga ba wala kang maidudulot na maganda sa anak ko eh!" Galit na galit sa sigaw nung mama nya saken.

Pero kung tutuusin kasalanan ko naman talaga.

'Sorry Justine , sorry. Kung hindi sana ako tumakbo! Hindi sana mangyayari sayo to.' Kahit sa loob loob ko sarili ko rin ang sinisisi ko.

Third Person's Pov

Palabas na sana kami sa lugar na kinainan namin dahil napag-usapan namin na kumain ng dinner sa isang restayrant, nang may makita akong batang patawid ng kalsada. Kitang kita ko yung sasakyan na papalapit dito.

Tumakbo ako at itutulak ko na sana yung bata nang sabay kaming napabagsak sa sahig nung batang dapat ay masasagasaan nung sasakyan. Tinanong ko yung bata kung okay lang siya pero "Oo" lang ang kanyang sinagot sa akin, siguro gulat pa din siya sa nangyari.

"Tulungan nyo yung lalaki, dalhin nyo sa ospital." Narinig kong sabi ng isang hindi kalayuan at agad akong napalingon sa pinagkakaguluhan ng mga tao, naiyak ako sa nakita ko. Nakahandusay sa kalsada si Justine, halos lahat ng nasa paligid niya ay natataranta na din. Tumakbo agad ako doon at nang makita ko siya. Naiyak agad ako.

"Justine wag kang bibitaw. Wag mo kong iwan, please!" Kausap ko sa kanya, ngumiti sya at may tumulong luha sa mata nya kasabay ng pagpatak din ng mga luha ko.

Narinig ko namang may tumawag na ng ambulansya at ilang minuto lang ay nandito na ito agad.

Sinakay namin sya dito at sumunod ako sa kanila. Habang ako ay patuloy pa ring nagdadasal na sana maging ayos lang ang kanyang lagay.

--

Kasalukuyan siyang nasa operating room, at lahat kaming naghihintay sa paglabas ng doktor at hindi mapaigi sa pwesto.

Nilapitan ako ni Dianne. "Bes, tara bili muna tayo ng makakain. Kagabi kapa hindi kumakain baka magkasakit ka nyan." Hindi pa naman ako nagugutom.

Si Dianne Calma. Bestfriend ko. Nanjan lang sya sa tabi ko simula nung nangyari yung aksidente. Hindi nya ako iniwan. Sobrang thankful ako na naging kaibigan ko sya.

Tumango na lang ako kahit wala pa akong gana. Alam ko namang hindi matutuwa si Justine kung nakikita nya kong nagkakaganito ng dahil sa kalagayan nya.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon