Gino's Pov
Hi. Ako nga pala si Gino Buenavista. 4th year high school at kaibigan ko si Nicos na kanina pa galit na galit dito.
"Sino ba yung babae?-_-" Kanina ko pa tinatanong yan sa kanya pero sinasabi nya lang na hindi nya ito kilala.
"Wag lang syang magpapakita
ulit sakin. Siya ang may kasalanan
nito!" Hahahahaha. Kanina pa 'to asar! Alam nyo kung baket?Nagbreak kasi sila nung girlfriend nya kasi may nakapagsabi dito na may nakakitang may kahalikan si Nicos na hindi naman ata alam ang totoong nangyari. Ayun, break ang kinalabasan nila.
"Tulungan mo kong hanapin yung babaeng yon dito din sya nag-aaral. Alamin mo yung schedule nya. Kailangang sya ang paliwanag nito kay Cass!" Si Cass yung girlfriend ni Nicos este ex na pala.
"Tutulungan kita? Sige! Hahahaha. Kaya lang may kapalit ang pagtulong ko sayo." Sabi ko sa kanya.
"Oo na. Para namang hindi kita kaibigan nyan, sagot ko yung one week snacks mo. Napakautak mo ano? Tss!" Kilala na ko nito ni Nicos.
Simula bata pa lang magkasama
na kame. Halos magbestfriend na kami nyan! Hahahahaha. Magkababata rin kumbaga! At si Cass Santiago, first love ni
Nicos.Kaya ganyan na lang sya kung magalit dun sa babaeng lampa daw na nahalikan sya na hindi naman sinasadya.
Pero dahil mabait akong kaibigan. Tutulungan ko syang hanapin yung babaeng sinasabi nya.
--
Naglalakad ako ng makita ko si Nicos na may higit higit na babae. May mga nagh-hi pa sa'kin habang nakatayo lang ako dito. Nginingitian ko lang sila.
Iba talaga pag gwapo.
Napailing na lang ako sa ginagawa ni Nicos kasi kahit na anong mangyare gagawa st gagawa sya ng paraan at ayaw nyang mawala sa kanya ng tuluyan si Cass.
'Pag nagmahal talaga ang bad boy, seryoso. Tsktsk!'
Pinanood ko lang silang dalawa kasi ang cute nila tingnan. Bagay nga sila eh. Kung hindi ako nagkakamali ng tingin sa kanilang dalawa.
Nakita kong binabawi ni Anne yung kamay nyang higit higit ni Nicos. Hahahahaha! Palaban si Anne.
Nakita kong naiinis na din si Nicos sa kanya. Natatawa nalang ako sa nakikita ko ngayon.
Siya si Anne. Anne Xyrene Rosales. Ba't ko alam? Nacheck ko na kasi yung information nya at alam na ni Nicos yun, pinabago nya din yung schedule nya ng kagaya nang kay Anne.
Ang cute nga 'nun ni Anne kahit sinasamba nya ang pag-aaral, simple lang pati walang kaarte-arte sa katawan. Siguro sya yung babaeng nakabangga ni Nicos.
Good luck na lang pala kay Anne. Pero kilala ko naman si Nicos hindi sya nananapak ng babae. Ewan ko na lang siguro pag nainis na sya rito.
**
Anne's Pov
Naiinis na ko dito sa lalaking 'to. Kase kanina nya pa ako hinihiget! Nagulat na nga lang ako ng biglang may humigit sa'kin kanina at sya yon. Ang dami na namang nakatingin sa'min lalo na sa'ken! Puro ang sasama.
Kaklase ko din pala sya sa lahat. Ngayon ko lang nalaman kasi hindi naman 'to pumasok kahapon at nung isang araw.
Huhuhu. Tulungan nyo ko sa lalaking 'to. Ang sakit na ng kamay ko. "Aray ko naman. Kanina ka pa ha!" Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko.
"Kailangan mong ipaliwanag sa kanya yung nangyari kahapon. Ikaw kasi ang may kasalanan nito." Sabi nya sa'kin habang patuloy pa rin sa paglakad.
Alin daw yon? "Anong kasalanan ko? Wala naman akong ginagawa sayo ah." Ni hindi ko nga 'to kilala eh. Ginawa pa kaya?
"Nang dahil sayo, nakipaghiwalay sa'kin si Cass. Kailangan ipaliwanag mo sa kanya yung nangyari kahapon!"
Eh? Anong kahapon? Wag mong sabihing... Ohmygod! Siya pala yung lalaki kahapon hindi ko man lang namukhaan ang tanga ko grabe!
"O san ba tayo pupunta? Saka ano ba wag mo na nga kong higitin. Sasama naman ako sayo!" Sabi ko pagkahigit ko sa kamay ko. Namumula na sya.
"Sorry." Napatingin ako sa kanya nakita nya sigurong namula yung kamay ko gawa nung paghigit nya sakin.
"Okay lang. Kakausapin ko lang yung girlfriend mo. Para tapos na. Nasan ba sya?" Naglalakad lang sya.
"Anong oras na?" Anong oras na nga ba? Wit! Tiningnan ko yung relo ko.
"2:00 na. Buti na lang wala yung teacher ko ay natin pala ngayon." Sabi ko sa kanya hindi naman nya ko pinansin at nagsalita lang sya.
"Nasa coffee shop yun ngayon. Tara! Sundan mo na lang ako." Sumunod nalang ako sa kanya baka magalit pa eh.
--
Next next. Hahahahaha. See you :) Iloveyouall.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)
Teen FictionPag nagmahal ka, asahan mo nang masasaktan ka. Kase sa panahon ngayon, dumadami na ang pinanganak para magpaasa. </3 -Anne Xyrene Rosales