Nicos' Pov
Nandito ako ngayon sa harap ng pinto ng room namin nung babaeng mukhang manang. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at pati yon tinanong ko kung papayag ba sya.
Para nga akong tanga kasi sobrang imposibleng mangyare na magselos si Cass kasi ganun nga ang itsura nung babaeng hinihintay ko. Paano kong nalaman na dito din sya nag-aaral?
Simple lang naman. Inutusan ko si Gino na maghanap ng impormasyon tungkol dun sa babaeng yon. Nalaman ko ding anak mayaman sya pero hindi naman halata sa itsura nya na mayaman sya.
Pero kanina pa ako naiinis kasi masyadong pa-importante 'tong babaeng 'to. Natanaw ko na sya sa malayo pero mukhang hindi nya pa ako nakikita.
Nung makita nya ko napahinto sya tapos parang gulat na gulat pa. Hays! Paano kami makakaalis neto kung tutulala lang sya don. Nilapitan ko na nga!
"Tsk. Ang tagal mo namang lumabas. Kanina pa ko dito naghihintay!" Sabi ko sa kanya.
"Sino ba kasing maysabing hintayin mo ko? Ang dami dami ko pang gagawin. Anong kailangan mo?" Sunod sunod nyang tanong sakin. Ugh! This girl is so annoying.
Bakit ba ako nagtitiis sa babaeng 'to? Ayst. "Basta sumama ka na lang ang dami mo pang tanong!" Sabi ko sa kanya.
--
Anne's Pov
Kakatapos lang ng klase ko ngayon. Ang dami na namang requirements pero okay lang kaya ko naman tapusin yon ngayon. Habang nag-aayos ako ng gamit ko nagkakagulo yung mga babae sa may pinto.
Pagtingin ko napatulala na lang ako sa nakita ko. Si Nicos nakatayo don at sya yung pinagkakaguluhan ng mga babae doon. Nakita ko syang papalapit saken! Nagulat akong nang makita kong nasa harapan ko na pala agad sya.
"Tsk. Ang tagal mo namang lumabas. Kanina pa ko dito naghihintay!" Sabi nya saken! Kung ano ano pa tinanong ko. Kung bakit sya nandito? Anong kailangan nya? Nakulitan lang sya saken!
Sumama na lang ako sa kanya. Wala rin naman akong magagawa kasi hindi naman ako makakatakas sa lalaking 'to! Sumakay na kami sa kotse nya. Ako na ang nagbukas kase asa naman ako na pagbuksan ako ne'to.
Hanggang sa loob tahimik lang ako. Wala naman akong sasabihin pati wala namang kwentang kausap to. Pag may itatanong ka sasagutin ka lang ng 'Oo' 'Hindi' basta kung ano pang sagot na maikli.
Tiningnan ko kung san kami papunta ni'tong si Nicos. Mukhang papunta kaming mall dito kasi yung daan!
Pagkahinto nung kotse bumaba na agad ako. "O, san tayo pupunta?" Tanong ko agad sa kanya. Tinitigan nya lang ako tapos naglakad na sya papasok ng mall.
"Ah dun pala tayo pupunta. Salamat sa pagsagot ha?" Insert the sarcasm here. Nakakaasar na sya ha! Kaya lang pinasok ko 'to e. Sumunod nalang ako sa kanya! Yun lang naman magagawa ko eh.
Ang pwede ko lang gawin ngayon ay sumunod kung san sya pupunta wala kasi akong idea kung saan kami sunod na pupuntaHan. Pero ngayon sa tingin ko sa pinupuntahan ng paa ni Nicos ay papunta kaming beauty parlor.
"Anong gagawin natin dito magpapaganda ka?" Tanong ko sa kanya.
"Wag mo kong niloloko. Ikaw ang kailangan magpaganda. Sa tingin mo maniniwala si Cass na girlfriend kita kung ganyan itsura mo?" Baket ano bang itsura ko?
"Ayos naman 'tong soot ko ah! Anong problema dito?" Sabi ko sa kanya. Totoo naman kase. Ayos lang naman tong soot ko!
"Mahabang palda, blouse, makapal na salamin, at saka buhok na magulo! Oo ayos para sayo, sa iba kase hinde!" Sabi nya saken.
Bahala na nga sya. Hinigit na nya ako papasok sa loob nung parlor! Binati sya nung baklang nagwelcome samin. Mukhang kilalang na sya dito baka naman dito sya lagi nagpapaayos.
"Is that your new girl huh?" Tanong nya kay Nicos. Tinuro pa ako nung bading. Ts!
"Yeah. She's my girlfriend." Sagot nya dun sa bakla na sya yatang mag-aayos saken. Nag-usap muna yung dalawa tapos ang narinig ko na lang yung sinabi ni Nicos na ito na daw ang bahala sakin kase may pupuntahan daw sya.
Nang makalabas na sa shop si Nicos. Tinignan ako saglit nung mag-aayos sakin.
"Alam kong maganda ka girl, kulang lang sa ayos at tinatago lang yung ganda mo ne'tong makakapal mong salamin!" Sabi nya habang tinatanggal yung salamin ko sa mata ko. Medyo malabo din kase mata ko kaya nagsusuot ako non.
Kahit mayaman kami ayoko magsuot ng mamahaling damit at gamet minsan kase nagkakaron ka lang ng kaibigan kasi madami kang pera. Ayoko ng ganon iilan lang ang may alam na mayaman kami.
Kung ano ano lang ginagawa sakin nung bading. 'Ayos dito. Ayos don.' Nakikita ko na ang pagbabago saken, sa itsura ko.
Nang matapos na sya. Napangiti sya ng sobrang lapad. "I told you. Maganda ka! Konting ayos lang sayo." Napatulala ako sa salamin kasi parang hindi ako yung nakikita ko.
"May nakaready na nga palang damit dito isuot mo daw sabi ni Nicos." Nakita ko na sya. Simple lang kaya okay sya saken. Kinuha ko yon at saka sinuot! Sakto lang sya saken hindi maikli sakin kaya hindi na ako nagreklamo.
May heels den pero hindi naman sya sobrang taas. Sanay naman na akong magsuot ng heels kase nga minsan may Casual party'ng pinupuntahan sila Mommy na sinasama ako para yata ibugaw kase pakilala dito, pakilala don. Tukso dito, tukso don.
Ilang minuto lang biglang may pumasok. Pagharap ko si Nicos lang pala yung pumasok. Lumapit ako sa kanya. "Ano okay naba 'tong suot ko?"
"Uy." Tawag ko sa kanya. Nakatulala sya ngayon saka lang sya bumalik sa katinuan nya nung tinawag ko sya. Ibang iba kasi yung itsura ko.
"Pwede na yan." Tapos nag iwas sya ng tingin saken.
Hahahaha! 'Pwede na daw pero napatulala ka naman saken.' Bulong ko. Na muntik na nyang marinig. "Anong sabi mo?" Ngumiti na lang ako saka ako sumagot.
"Wala sabi ko. Anong yung dala mo?" Segway lamang. Nakita kong sa optical sya galing nagbili pala sya ng lens para hindi na daw ako magsuot ng makapal na salamin.
Tsk. Ibinili na ko ng ganyan ni mommy hindi ko lang ginagamit eh. Pero hayaan na sumunod na lang ako sa kanya. Nang maisuot na saken! "PERFECT, ang ganda mo!" Nagulat na lang kami kay Bern nung sinigaw nya yan. Pangalan nung bakla narinig ko kanina eh nung naguusap sila nung kapwa nya bakla.
Ngumiti lang si Nicos. Tapos nagdecide na syang umalis na kame. Tinanong ko sya kung san kami sunod na pupunta. Pero nginitian nya lang ako.
Aba! Kanina pa 'to ngiti ng ngiti ah. Parang kinabahan tuloy ako! Hays.
Weird. -_-
**
Thankyou guys :">
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)
Teen FictionPag nagmahal ka, asahan mo nang masasaktan ka. Kase sa panahon ngayon, dumadami na ang pinanganak para magpaasa. </3 -Anne Xyrene Rosales