Dianne's Pov
Papasok na kami sa classroom
kasi kakagaling lang namin ni bes dun sa bagong bukas na shop.
Okay nga eh kasi wala kaming teacher. Kaya may time kami para pumunta dun sa shop. Masarap
yung tinda nila lalo na yung flavor nilang vanilla! Hahahahaha.Sensya na favorite ko kasi talaga
yun eh!Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din si bes sa paglalakad. Iba kasi yung pakiramdam ko.
"Bakit bes? May problema ba?" Tanong nya sa'kin. Sinabi ko nalang dito na wala para hindi na sya
mag-alala.Feeling ko kasi ay mayroong nagmamasid sa amin sa malayo. Tumingin tingin ako sa paligid namin pero mukhang wala naman. Baka guni-guni ko nga lang
yon!Nang makarating kami sa room namin ay wala pa namang teacher kaya kanya kanyang ginagawa
yung mga kaklase namin.Maya maya tumayo sya at nagpunta sa'kin.
"Bes, cr lang ako ha?" Pagkasabi
nya sa akin 'nun ay pinayagan ko sya at parang kinabahan pa ako bago
sya umalis sa harapan ko.'Ts. Nevermind!' Sabi ko sa sarili ko tapos nakipag-kwentuhan na lang ako 'dun sa ibang mga babae.
Ilang minutong hindi ako mapaigi. Hinihintay kong makabalik si
bes! Kahit saglit pa lang syang umalis simula nung magpaalam sya. Feeling ko ang tagal na. Napaparanoid na siguro ako. -_---
Anne's Pov
Nagpaalam ako kay bes na magc-cr lang ako sandali. Pagkalabas ko nang room ay nagtungo na ako agad 'don.
Habang naglalakad, ay pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin.
Kaya lumingon ako. Paglingon ko naman ay wala naman akong
nakita.Binaliwala ko nalang! Saka nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad, kumakanta pa ako pero parang meron talagang sumusunod sa'kin.
Bahagya akong yumuko at kunwari'y may aayusin sa aking sapatos. Napansin ko ang isang lalaki na hindi ko kilala.
Umayos ako ng tayo at medyo binilisan ang lakad. Nang medyo makalayo na ako sa kanya ay lumiko ako sa gilid na hallway at pumasok sa isang room 'don.
Buti bakante 'tong room na napasukan ko kundi nakakahiya! Kasi nakikipasok ako.
Hinintay ko na makarating malapit sa may pwesto ko yung lalaki. Nakahanda na rin ako para sa
pag-atake ko. Eto na! Nararamdaman ko ng malapit na siya."Hiyaaaah! Bakit ka sumusunod sakin 'ha? Siguro may masama kang binabalak 'no? Sumagot ka!" At hinampas ko pa sya nang hinampas gamit yung isang libro na nakita
ko 'dun sa room."Teka, teka! Sandali lang. Miss, ano bang problema mo? Saka anong sumusunod?" Sabi nya sakin
habang pinipilit iwasan yung mga hampas ko.Napatigil ako nang makita ko yung mukha nya. Hindi naman ito lalaking nakita kong sumusunod sakin kanina.
Sumilip silip pa ako 'don sa dinaanan namin kanina pero wala talaga. Hays! Pahiya ako.
"Ay kuya pasensya na akala ko kasi ikaw yung lalaki kanina eh!" Pagkasabi ko 'nun ay umalis na
sya na iiling iling sa'kin.Dumeretso na ako sa comfort room. Nang matapos ako ay naghugas
na ako ng kamay at sandaling tumigil sa salamin.Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina sa hallway. Sigurado talaga ako na sumusunod sya sakin eh! Pero bakit naman?
Nang ilang sandali lang ay lumabas na din ako at naglakad patungo pabalik sa room namin.
Nang makarating ako sa room ay nilapitan agad ako ni bes! Hindi ko na lang din sasabihin sa kanya
yung nangyari kanina nung papunta akong cr.Baka kasi mag-alala na naman 'to sakin. Di rin naman nagtagal
ay dumating na yung susunod na magtuturo.Mabilis na lumipas yung oras
hindi ko dun maintindihan yung sinasabi nung teacher namin. Parang lutang isip ko!"Hoy bes. Asar naman 'to! Kanina pa kita tinatanong eh." Saka lang ako bumalik sa pag-iisip ko nang sumigaw na sa harapan ko si bes sakin.
"Sorry naman. Ano ba yon?" Tinanong ko sya.
"Ayan kasi lutang ka kanina pa! Hindi ka nakikinig sa sinasabi ni mam. May pinapagawa syang project! By group yon three members. Ano bang iniisip mo?" Tanong nya sa'kin.
Sa sobrang pagiisip ko hindi ko na alam yung sinasabi ni mam. Sinasabi ko na lang na wala lang
yon kaya hindi din naman sya nagtanong sakin."Teka sabi mo by group tas threemembers sino yung isa pang ka-group natin?" Tanong ko sa kanya.
"Si Nicos para madali agad tayo matapos pag kayong dalawa ang kasama ko. Hahahaha!" Sabi nya sakin.
"Ayos ka din bes ah. Kapit sa matatag! Ano namang maitutulong mo samin dun, Aber?" Tanong ko naman sa kanya.
"Ipagchi-cheer ko kayo na matapos nyo agad. Hahahahaha! Next week na pasa nyan." Next week na
agad pero okay lang mabilis lang naman gawin yun eh."Nasaan na si Nicos? Para mapag-usapan kung kailan saka saan gagawin?" Nasabi din nya
na pinatawag daw si Nicos saglit sa office bago maglabasan kanina.--
Nicos's Pov
Last subject na namin ngayon. Nabanggit na din nung teacher namin na magkakaron ng project
by group.Napatingin ako kay Dianne na bestfriend ni Xy sinenyasan nya ako na kami kami nalang ang magkakagroup. Napatingin ako kay Xy na parang walang naririnig kasi tinatawag na sya nung bestfriend nya.
Palabas na dapat kami nung nilapitan ako nung isa sa member nang Student council. Pinapapunta nya ako sa office may ipapaabot daw sa'kin.
Sumunod na lang ako sa kanya. At sabay na nagpunta kaming office ng principal.
Nang makarating kami ay may pinapaabot sa akin si Principal sa adviser namin. Kinuha ko ito sa kanya.
"Ayan yung documents nung bagong transferee. Sa klase nyo sya ko inalagay! Makikibigay na lang sa adviser nyo. Salamat! Maaari ka nang lumabas." Pagkasabi nya nung ay lumabas na nga ako.
Tiningnan ko pa yung mga folder na hawak hawak ko.
"Ezekiel Guevarra" nabasa ko dun sa papel na ibinigay nung principal namin. Ito ata yung pangalan
nung bagong lipat.Naglakad ako pabalik nang room dahil sigurado ako na nandon yung adviser namin.
Nang nakarating ako 'don sa room ay hindi naman ako nagkamali kasi nandon nga sya na nagsusulat sa record book nya.
"Mam, pinapabigay po ni mam principal sa inyo." Sabi ko sa kanya sabay abot nito.
Nagpasalamat lang ito sa akin saka nagpaalam sa kanya na mauuna na ako. Dahil hinihintay ako
nung dalawa na kagroup ko sa project namin sila Dianne. Nang malapit nako sa gate, natanaw ko na sila doon."Dianne, xy. Tara na, sabay sabay na din tayo para mapag-usapan yung
sa project natin." Pumayag
naman sila at umalis na nga kami.Habang naglalakad, pinag-uusapan na namin yung gagawin tutal
Sabado na din naman bukas. Kaya sisimulan na din naming gawin.--
Yes, may kasunod na ulit. Hahahaha! Nahihirapan kasi akong magtype eh. Keep reading guys! VOTE AND COMMENT please.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)
Teen FictionPag nagmahal ka, asahan mo nang masasaktan ka. Kase sa panahon ngayon, dumadami na ang pinanganak para magpaasa. </3 -Anne Xyrene Rosales