Part 7

185 44 39
                                    

Anne's Pov

--

Naramdaman kong may yumuyugyog sakin habang natutulog ako. Kaya naalimpungatan ako!



"Hmmm. Baket?" Sabi ko kung sino man 'to. Minulat ko yung mata ko at nakita ko yung mukha ni Nicos. "Nandito na tayo sa inyo." Sabi nya pa.


Pag tingin ko sa paligid. Oo nga nasa tapat na kami ng bahay namin! Umupo ako at naalala ko yung kanina. Ba't bigla syang nawala sa mood? Maitanong.


"Uy nga pala. Ba't bigla kang nag-akit agad pauwi kanina? May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.


Biglang sumama agad yung mukha nya nung narinig nya yung tanong ko. May problema talaga 'to! Tsk.


**


Nicos' Pov


Kanina pa tulog 'tong babaeng 'to. Pero hindi ko pa din sya ginigising kasi, ewan ko! -_- Tinitigan ko yung mukha nya. Maayos naman pala sya pag inayusan. Ewan ko ba dito kung ba't hindi nag-aayos! Maganda sya, maputi, matangos yung ilong, at saka yung labi nya mapula din.






Nung napansin ko kung anong ginagawa ko. Umayos na ako ng upo pagkalipas nung ilang minuto ginising ko na sya. Umungol pa sya! Hays. Ano ba naman kasi 'to? Tulog mantika masyado!


"Nandito na tayo sa inyo." Sabi ko sa kanya. Tiningnan nya muna ako 'tas tumingin pa sya sa paligid saka nya lang ata nasigurado na nandito na nga kame.



Bigla syang umayos ng upo tapos humarap sya sakin. Parang hindi bagong gising hays! "Uy nga pala. Bat bigla kang nag-akit agad pauwi kanina? May problema ka ba?" Napasama agad yung mukha ko sa tinanong nya sa'kin.


Hindi ko na nga iniisip yung sa kanina. Panira din 'tong babaeng 'to. Bagay sila nung gag*ng si Guian e. Parehas panira! Ts.

Kanina sa party.


Masayang nagku-kwentuhan yung mga kamag-anak ko. Napailing ako kasi akala mo mga ngayon lang ulit nagkita sila. Nandito din si Cass na halos katapat ko lang din. May mga kumakausap sa'kin, nangangamusta!


Sinasagot ko naman yung mga tanong nila. Pero hindi ko mapigilan ang hindi mapa-sulyap kay Cass. Tngn! Ang lakas ng tama ko dito sa babaeng 'to.

Naalala ko na may kasama nga pala dito, si Anne! Tinanong ko sya kung okay lang ba sya, sabi nya okay lang naman daw sya. Pero wala pang ilang minuto nagpaalam syang magpapahangin muna.


Pumayag naman ako. At nakita kong tumayo din si Cass sa upuan nya! Nung nakita ko kung san sya pumunta ay tumayo ako at sumunod ako 'don!


Nang masundan ko sya ay tinawag ko sya agad. "Cass." Lumingon sya sa'ken ng nakangiti.



Paano ko ba makakalimutang mahalin 'tong babaeng 'to kung sa simpleng ngiti nya pa lang nai-inlove nako? Ugh. Ang korni ko habang tumatagal!



"Ba't ka sumunod sa'ken? Baka solo lang yung girlfriend mo doon oh!" Turo na dun sa loob. Hinawakan ko yung kamay nya. Halata namang nagulat sya sa ginawa ko.



"Cass, bat ka ganyan? Alam mo namang ikaw pa rin e." Pilit nyang tinatanggal yung kamay nya sa pagkakahawak ko na palingon-lingon sa paligid.


"Nicos ano ba?! Mamaya may makakita pa sa'tin dito. Tumigil ka na nga!" Parang kinakabahan pa sya. Saka lang sya nakaalis dun sa pagkakakapit ko.



"Alam mo Nicos itigil mo'na to! Alam mo namang walang patutunguhan 'to. Hindi na kita mahal! May sari'sarili na tayong buhay. Ba't hindi mona lang tanggapin!" Pagkasabi nya 'non.


Biglang dumating yung lalaking nakita naming kasama nya dun sa coffee shop at hinalikan sya. Guian daw ang pangalan sabi ni Gino sa'ken.


"Anong pinag-uusapan nyo?" Tanong nung lalaki kay Cass.


"Wala nagka-kamustahan lang kami." Sabi nya kay Guian at hindi na nya ko pinasin! Nagpaalam na din ako kay Cass kasi baka mainis lang ako habang pinapanood silang maglandian sa harap ko!


Pinuntahan ko na si Anne sa garden nakita kong kausap nya si Gino. Inakit ko na siya umuwi.

--

Ayon ang dahilan kung bakit ang sama ng mukha ko kanina medyo nakakalimutan ko na yung pangyayaring yun e.


"Wag mo na lang alamin." Sabi ko na lang kay Anne. Kinulit nya pa ako tungkol don. Pero ilang sandali lang tumigil na din sya.


Ilang minuto pa syang nagstay dito sa loob ng kotse. Nagkukwento ng kung ano'ano. Minsan napapangiti ako sa mga kinukwento nya kasi nagmumukha syang tanga dun sa mga ina-action nya.



Nagpaalam na sya na papasok na sa kanila. Nagpaalam na din ako at hinintay ko muna syang makapasok sa kanila bago ako umalis.





Habang nagda-drive ako hindi ko maiwasang hindi maalala yung kay Cass ni Guian. Bakit ambilis nyang makamove-on sakin? Wala na lang ba ako sayo? Pero kahit na anong mangyari hindi ako titigil.





'I really want you back Cass.'


**

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon