Part 6

228 46 36
                                    

Anne's Pov

--

Nang makaupo at makalapit na kami sa lamesa nila syempre kinakabahan pa rin ako. Bago ko pa lang kakilala si Nicos diba? So, wala pa akong kilala sa pamilya nya.




Iba't ibang usapang bagay at trabaho lang yung naririnig kong pinag-uusapan nung mga taong nasa paligid namen, mga kamustahan, usapan tungkol sa business. Hindi naman ako makarelate kasi hindi naman ako nakikisali sa kanila at wala akong balak makisali.



Kumain nalang ako ng tahimik. Si Nicos naman ilang beses ko ng nahuhuling nakatingin kay Cass. Inlove much? Du pa rin makamove on. Nagagawa nga naman ng pag-ibig! Tsk.



"Okay ka lang dyan Xy?" Wow Xy! F na F ah. Ganon na ba kami kaclose? Hahahahaha.



"Oo ayos naman ako dito wag mo kong alalahanin." Lame excuse naman nyan Anne. Hays!




Ngumiti akong pilit. Kasi kanina ko pa gustong sabihin sa kanyang,




'Hindi. Hindi ako okay dito! Sinong magiging okay kung wala kang makausap? Sinama sama mo ko dito tapos hindi mo ko papansinin! Kulang na nga lang sabihin ko sayo na"Kausapin mo naman ako"!'





Mukha namang naniwala naman sya. Hindi man lang sya makaramdam na kanina pa ako bored dito. Ts!




Hindi na lang ako kumikibo sa upuan ko. Nakakaboring na talaga! Nung ilang minuto pa lang ay nagpaalam ako kay Nicos na magpapahangin lang muna ako sa labas. Pumayag din naman sya.





Sa totoo lang nabo-bored lang talaga ako 'dun sa loob kaya umalis muna ako don kasama na din yung magpapahangin ako na dinahilan ko. Sa paglalakad ko dinala ako ng paa ko sa garden ata nila. Sa pakiramdam ko sobrang peaceful ng lugar na'to.




May mini fountain sya. Maraming bulaklak, ang ganda! Sobra! Kitang kita mo na halatang alagang alaga ang garden na'to.





Naupo ako sa may bench na nakita ko dun sa isang tabi umupo ako para dun magpalipas ng oras. Mukhang nasarapan pa naman sa pakikipagkwentuhan si Nicos sa mga tao sa loob.




Sabagay para kasing family reunion din naman yung nangyayari sa kanila ngayon. Kamustahan dito, kamustahan don. Nakakasama nila yung mga pamilya nya.





Nasa gitna ako ng pag-iisip nang biglang may umupo sa gilid ko. Siguro kung magugulatin ako sumigaw na'ko dito.




"Bakit nandito ka sa labas?" Tanong nya sa akin habang nakangiting nakatingin sya saken.



"Ayoko kase sa loob." Magaling kang sumagot Anne. Hahahaha. Pasensya na. Bored kasi eh. Nginitian nya ako. Isa pa 'to! Ngiti ng ngiti. Tsk!




"Ang cute cute mo. Hmmmm!" Sabi nya sabay pisil nya sa pisngi ko. Aba't! Feeling 'to ah. Sinamaan ko sya ng tingin makapisil naman kasi akala mo close na kame.



"Ikaw si Anne Xyrene diba?" Kilala nya ako? Hala! Baka naman stalker ko 'to. Ang ganda mo Anne pa'sta-stalker kana lang.



"Wag mong isipin na stalker mo 'ko! Asa ka pa? Sa gwapo kong 'to. Hahahaha!" E? Paano nya nalaman na yun ang iniisip ko?


"Wag kang magtaka kung ba't ko alam na yun ang iniisip mo. Halata naman kasi sa mukha mo!" Sabi nya sa'kin. Ganon na ba kahalata?


"Ako nga pala si Gino." Ah. Gino pala pangalan nya. Okay now I know.






"Halata sa mukha mo na ganon ang tingin mo sa'ken. Hindi mo ako stalker 'no! Admirer pwede pa. Pero alam mo gusto kita para sa bestfriend ko. Although, kahit alam kong nagpapanggap lang naman kayo. Sa tingin ko kase your perfect for each other." Litanya nya.





"Kilala mo si Nicos?" Tanong ko sa kanya.





"Kung hindi mo narinig yung sinabi ko kanina. Oo, kilala ko sya. Bestfriend, kababata. Sabay sabay kaming lumaki nila Nicos at Cass. Kaya alam ko kung gaano nya kamahal si Cass." sabi pa nya.






"Ewan ko ba dyan kay Nicos kung ba't naghahabol pa kay Cass, eh halata namang idinahilan lang nya yung aksidenteng nangyari sa inyo ni Nicos. Mukhang matagal na rin naman simula nung napansin kong nagiging close si Cass at saka si Guian." Halatang close na close silang tatlo na alam mo kung ano yung mga tungkol sa isa't isa.







"Siguro naman mahal nya pa din si Nicos kasi hindi naman sila magtatagal ng ganun kung mawawala ng ganun ganun na lang yung nararamdaman nya para dito." Siguro nakukuha naman nya yung pinupunto ko.





"Oo nga naman. Pero goodluck nalang sa fake relationship nyo baka mauwi sa totohanan yan." Tas tumawa pa sya. Asa naman syang magkagusto ko dun.





Sa gitna ng pagtawa ni Gino biglang dumating si Nicos. Bakit nandito na 'to? Ah, baka naman napagod na kakakwento 'don.






Tumango lang sya kay Gino at ngumiti ng pilit dito. Tapos tumingin sya sa'ken. "Tara na Anne. Hatid na kita sa inyo." Mukhang masama ngayon ang mukha nito ah.




Bago umalis nagpaalam muna ako kay Gino. Pero itong si Nicos walang pakialam. Ano na naman kayang problema ne'tong lalaking 'to?




Walang nagsasalita habang nasa byahe kami. Ang lalim ng iniisip nya parang kanina lang excited na excited sya ngayon lungkot na lungkot naman sya.





Nakakacurious naman tuloy. Pero hindi ko siya tinanong baka ako pa kasi yung mapagbuntunan nya. Mahirap na siguro next time na lang. Nang medyo matagal na din kameng nasa sasakyan nakaramdam na din ako ng antok.






Gabi na din kase kaya nakakaantok na. Unti unti na akong napapapikit. Pero hindi ko na mapigilan pagkatapos 'non. Nakatulog na ako ng tuluyan.



--

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon