Anne's Pov
--
Higit higit nga ako ngayon ni Nicos. Sa pinupuntahan namin tingin ko papunta kaming restroom.Di ko pa rin ma-imagine. Hahahaha! Nakakatawa yung mga mukha nung mga tao 'don kanina,
Lalo na si Tricia! PRICELESS :3
Mamatay sya sa inggit. Pero kahit ako nga nagulat pero saglit lang nakamove-on agad ako 'don! Nandito na kami sa tapat ng pinto ng Cr. Tinanong ko sya kung paano ako magpapalit kasi wala naman akong dalang damit.
Tinext na daw nya si Bestie na dalhan ako ng damit dito. Ang bait nila! HAHAHAHA. Actually, ayan na sya. May dala siyang mini bag!
Sermon na naman ako dito!
3
2
1…
"Ay ano ba yang nangyari sayo? Sinong may gawa sayo nyan? Buti nalang lagi akong may extra damit. Pumasok ka na don maligo ka! Ang asim mo." Sabi na nga ba eh. HAHAHAHAHA! Kilalang kilala ko na talaga sya.
Concern talaga 'to pagdating sa'kin, kaya hindi na ko magtataka kung malaman ko na lang na sinugod nya sila Tricia dahil sa panga-away sa'kin.
Nang maamoy ko na nga ang sarili ay sobrang asim nga. Hahaha! Syempre amoy suka nga eh! Sunga mo Anne. -____-
Bago ko pumasok ay niyakap ko muna si Best na mahahalata sa mukha nya na nainis sya sa ginawa ko kaya pumasok agad ako ng nagmamadali habang tawang tawa. *-*
So, naglinis nga ako kasi hindi nakakahiya naman kung ganito yung amoy ko hanggang mamaya. Thankyou sa damit ni Best buti magkasukat lang kami.
Shower.
Shower.
Shower.
Sabon.
Banlaw.
Shampoo.
Banlaw.
Sabon ulit! HAHAHAHAHA. Saka banlaw ulit. Saka iba pa.
Mukhang hihintayin pa ako nung dalawa sa labas na matapos dito maglinis. Bahala sila 'don. Nilaro ko pa yung tubig na lumalabas. May shower dito kasi susyal yung school namin! :3
Nang maisipan ko na mag-ayos at naisip ko yung dalawa na naghihintay 'don sa labas naawa ako. Hahahaha! Kanina pa sila na naghihintay sakin.
Nang tapos na ako. Lumabas na ako at ang mukha nila hindi ko na maipinta! Pagtingin sa'kin ni best.
"Oh! Buhay ka pa pala? Akala ko hinigop ka na ng inidiro sa sobrang tagal mo. Buti naisipan mo pa lumabas?" Sabi na nga galit na'to.
"Sorry na bes. Talagang namiss ko lang maligo after two days." Hahahahaha. Bigla nya kong inilayo sa kanya.
"Ibig mong sabihin, kanina ka lang ulit naligo. Kung hindi nangyari yung pang bubully sayo wala ka pang balak?" Hays. Paano ko ba naging bestfriend 'to?
"Paandarin naman 'to. Syempre joke lang yon! Tara na balik na tayo sa classroom. Baka mapagalitan na tayo!" At ayun bumalik na nga kami sa room.
Inakit na ni Bestie si Nicos. Nakalimutan ko na palang kasama namin 'to.
Walang umiimik samin kahit isa habang naglalakad. Hahahaha!
Awkward strike.
Nakalimutan ko pa palang magpasalamat kay Nicos para 'don sa ginawa nya kanina na inalayo nya ako dun sa mga nangbu'bully sa'kin.
"Uy, Nicos salamat nga pala kanina." Himinto ako saglit kaya napahinto din sila sa ginawa ko!
"Wala yon xy. Maliit na bagay!" Tapos ngumiti pa sya ng sobrang lapad! Ugh. Asar 'tong lalaking 'to. Pero sa ginawa nya lalong magiging issue lalo yun!
Hindi na kasi mawawala yon. Ang mga taong ginagawan ng malisya yung bawat ginagawa mo.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nung nasa may pinto na kami halos wala kang maririnig na ingay sa sobrang tahimik nila! Tapos may nagbubulungan pa.
"Wag nyo na pansinin. Tara pasok na tayo! Baka dumating na mamaya yung magtuturo." Si Nicos na parang wala lang sa kanya.
Ilang minuto lang ang nakalipas nung pumasok kami balik na ulit sa dati yung mga kaklase namin.
Maingay, magulo at nalaman ko din na sa mga pinag-uusapan nila nawala pa lang magtuturo sa'min ngayon.
Hindi ako tsismosa! Sadyang narinig ko lang na nag-uusap sila. HAHAHAHAHAHA!
Nakita ko si Bes na papalapit sa'kin. May sasabihin kaya 'to?
"TARA BES! WALA NAMAN TAYONG TEACHER." Makasigaw naman 'to! Bingi ako 'ha? Bingi?
"Saan punta?" Sinagot ko sya na parang bored na bored ako! Hahaha. Asar na naman 'to.
"Date tayo. Miss na kita! Tara libre mo ko." Miss na daw nya ako. Hahaha! Parang kahapon lang magkasama kami. Abnormal talaga 'to.
Hindi na ako naka'angal kasi higit na nya ako ngayon. San naman kami pupunta ngayon?
"Saan naman tayo ngayon pupunta?" Tanong ko sa kanya. Huminto sya tapos nag-isip nang konti. Binatukan ko nga sya!
"Wag kang mag-isip hindi bagay sayo. -_-" Sinamaan nya naman tuloy ako ng tingin.
"Sorry na. Hahahaha! Dun nalang tayo sa bagong bukas na shop 'don." Tinuro ko sa kanya! At saka kami nagpunta 'don.
Nandito na kami. May ilang costumer din ang nandito! Masarap din kasi sa sabi nila good service daw.
"Bes ako na oorder sayo ha?" Sabi nya sakin nung may lumapit sa amin na taga kuha ng order namin.
"Kuya isa pong chocolate saka vanilla flavor. Thankyou! :3" Nagpacute pa si bes dito bago umalis. Kakaiba din ito 'eh. Hahaha! Favorite ko kasi yung chocolate sya naman vanilla.
Bigyan mo lang ako ng kahit ano basta chocolate magkakasundo tayo nyan! Ilang minuto lang dumating din naman agad yumg order namin.
"Ang sarap bes. Kaya siguro hindi din nawawalan ng tao dito eh. Balik tayo dito pag may vacant ulit." Halata nga sa kanyang sarap na sarap sya.
Nang maubos namin yung binili namin bumalik na kami agad sa classroom.
Someone's Pov
"Anong nang plano mo sa kanya? Mukhang hindi naman effective yung mga inutusan mo." Sabi nito sa kanya.
"Hintayin mo lang. Masyado kang excited. Masyadong mabilis kung pahihirapan ko agad sya. Hahayaan ko muna syang magsaya! Hahahaha." Tumawa pa ito nang parang wala ng katapusan.
Iiling-iling na lang yung kasama nito sa kanya. "Goodluck nalang sayo." Sabi nito habang pinagmamasdan nila yung magkaibigan na masayang naglalakad.
"Pagsisihan nya yung ginawa nila sakin. Lahat nalang ng gusto ko nasa kanya!" Sabi nito sa kanyang sarili. Habang masamang nakatingin kila Anne.
"Goodluck sayo. Hahahahaha!" At tumawa sya ng tumawa na parang nababaliw na.
++
5votes and 5comments. Please! Please. Hahahahaha :) Thankyou.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)
Novela JuvenilPag nagmahal ka, asahan mo nang masasaktan ka. Kase sa panahon ngayon, dumadami na ang pinanganak para magpaasa. </3 -Anne Xyrene Rosales