Part 5

211 48 28
                                    

Anne's Pov

--

Habang nasa biyahe ulit kame hindi ko pa rin mapigilan ang kabahan. Mukhang tanga kasi 'tong kasama ko kanina pa ngingiti ngiti. Asar eh! Nakakacurious tuloy.

Hindi ko din alam yung dinadaanan namin. Ngayon lang ako mapapadaan dito. Hays!

Saan naman kaya ako dadalhin netong lalaking to?


Naku po! Delikado 'to. Mahirap na. Hindi kaya may binabalak siyang masama sakin kaya sya kanina pa ngiti ng ngiti sakin. Siguro iniisip nya kung anong mangyayari pag natuloy yung binabalak nya!

**

Napahawak ako sa katawan ko. Bigla na lang kasi nyang hininto yung sasakyan sa madalim at nakakatakot na lugar. Wala pa naman akong alam dito.

"Nicos wag ka namang ganyan. Naging mabait naman ako sayo ah! Tutulungan pa nga kitang bumalik sayo yung Cass mo e. Wag mo namang gawin sa akin to." Sabi ko sa kanya!

Kinakabahan na talaga ako. Bukod sa nakakaloko na yung ngiti nya, mukhang seryoso sya na itutuloy nya yung gagawin nya saken. Ay nako! Wag naman sana nya ituloy.

"Maawa ka naman sakin Nicos. Huhuhuhu. Mommy help!" Halos bulong ko sa kanya. Paatras ako ng paatras dun sa upuan ng kotse nya. Pero sya palapit pa rin ng palapit!

Ayan na malapit na. Malapit na talaga! Napapikit nalang ako hindi kona kasi alam gagawin ko.

Lord kayo na po bahala sakin. Ayan na talaga sya! Pumikit nalang ulit ako. Huhuhu!

--

"Oh ba't mukha kang di mapatae dyan?" Nagulat ako ng kausapin ako ni Nicos. Sobrang gulat na gulat ako.

Ngayon lang ako bumalik sa katinuan ko! Ano ba tong mga iniisip ko. Mukha siguro akong tanga kanina kung ano-anong iniisip ko.

"San ba tayo pupunta? Kanina ka pa nagda-drive jan!" Tinanong ko na. Para bawas kaba nadin. Ngumiti na naman sya.

"Kanina ka pa ngiti ng ngiti jan! Nakakatakot kana ha! Baka kung ano na ang binabalak mo saken!" Nasabi ko sa kanya.

Asa pakong pagnasaan ako ni Nicos. Masama pong umasa! Nakakasakit ng damdamin yon.

"Assuming palagi Anne? Easy kalang. Naeexcite na kasi akong pumunta sa bahay! Parang may small party na gagawin don para sa project. E nandon si Cass!" Sabi nya saken. Tuwang tuwa pa sya.

Patay na patay talaga to sa Cass na yon. Hahahaha! First love ata nya e. Tumahimik nadin ako baka uminit lang ulo neto e. Saka konting minuto lang din naman inabot namin matapos huminto ng sasakyan sa tapat ng malaking malaking bahay.


Hindi lang sya malaki ha? Malaking malaki. Kung malaki yung samen mas malaki lang yung kanila ng konti. Konti lang naman.

Pagpasok namin sa pinto. "Wow." Ayan nalang ang nasabi ko sa aobrang mangha ko pagpasok namin dun sa mansion. Mansion na itatawag ko ang laki e. Puro mamahalin yung gamit dito sa loob ng bahay.

"Master nandon na po sila." Sabi nung maid ata. Astig! Master ang tawag kay Nicos. Habang papunta kami don sa table. Natatanaw ko na yung lalaking mukhang mga professionals.



Hindi na ko magtataka kung ganyan din si Nicos paglaki nya. Sa itsura kasi ni Nicos halatang matalino sya.

Nang papalapit na kami. Natanaw ko si Cass. Ang ganda nya. Mukhang inosenteng anghel. Parang hindi magagawang manakit. Ano bang laban ko sa babaeng to? Sa itsura palang e. Maganda sya, cute lang ako. Hays. Hirap ng buhay grabe!


"Dad." Tawag nya sa daddy nya. Whaaaaaa! Meet the family na agad? Ang bilis. Kaya pala ko kinakabahan kanina pa siguro gawa nito. Si Nicos naman kase hindi sinabi na ganito edi sana nakapag handa ako!
Haynako.


Nandito din yung mga pinsan nya. Tito't tita nya.  Nako naman! Nicos, ano bang nakain mo at hindi mo man lang ako sinabihan? Tsk tsk.




Ano ba naman kasi tong pinasok ko? Bahala na nga hindi ko na lang pinahalata sa kanya na kinakabahan ako. Good luck Anne Xyrene!

--



Vote. Comment. Please spread love.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon