Part 13

162 38 28
                                    

--

Susundan ko na yung last chapter na ginawa ko. Inspired ako eh. Hahahahaha! Thankyou din pala kay @♡Louie Jean♡ ang cute nung story mo. Patapos na nung Campus Queen 2. Can't wait na!

Okay continue. Keep reading! Leave votes and comments po.

-sanshayn2811 :)))





**

Anne's Pov

Nandito kami ni bes sa bahay nila Nicos tulad ng na pag-usapan namin kahapon habang pauwi kaming naglalakad. Nagtatalo pa nga yung dalawa kung saan gagawa nitong project eh.

Sa pagtatalo ng dalawa ako ang naririndi eh. Kaya ang ginawa ko na lang para tumigil sila ay pinagbato-batopik ko sila! At oo bato-batopik. Hahahaha! Nagkakadayaan pa nga yung dalawa kaya nagtagal kami. Pero sa huli ay si Nicos pa din ang nanalo.


Ang saya nga eh. Kasi hindi ko namalayan sa tagal ng paglalakad namin na nasa tapat na pala ko nang bahay namin. Nagpaalam ako sa kanila at eto nga kami, nandito sa bahay nila Nicos para gawin na yung project.


May lumapit na maid sa amin.


"Pababa na daw po si Sir. Hintayin nyo na lang daw po sya. Halika upo po muna kayo." Tapos dinala nya kami ni bes sa sala nila. Inilibot ko yung mata ko sa bahay nila. Pakiramdam ko talaga ang lungkot ng bahay nila Nicos.



Hindi naman kami masyado pinaghintay ni Nicos kasi nakita na namin sya ni bes pababa ng hagdan nila. Ewan ko ba pero feeling koang bagal ng paglalakad nya.


Simpleng t-shirt at short lang naman ang suot nya pero ang lakas ng dating nya.



Umiling iling ako. Kung ano anong bagay na naman kasi ang iniisip ko. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin sya. Pinagusapan na lang namin tatlo yung gagawin actually kaming dalawa lang.




Si bes kasi busy lang. Hindi natulong. Sabagay baka kung ano lang mangyari pag nagsuggest pa sya. Baka maulit na naman yung nangyari last year. Gustuhin ko mag ikwento, eh wag na lang. Hahahahaha. Nakakahiya kasi. Pero alam kong mapilit kayo kaya sige lang.



**



"Bes ang tagal mo pong gumawa kanina ka pa jan ah." Hindi ko sya pinansin kasi busy ako. At totoo yung sinabi nya na kanina pa nga ako dito. Hindi ko kasi maperfect na paikot yung structure ko eh.




"Tama na nga yan. Ako na lang gagawa nyan. Ikaw kasi eh, napaka simpleng bagay pinapahirap mo. Haynako! Akin na. Kumuha ka na lang ng merienda natin 'don bilis." Ewan ko din kung anong pumasok sa kokote ko at pumayag ako sa kanya eh. Iuuwi na lang daw nya para sa bahay na nila tapusin.




At yun ang desisyon na isa sa mga pinagsisihan ko ngayon na ipinaubaya ko sa kanya yung project ko!




Kinabukasan.




Papasok nako ng room ng matanaw ko si bes dun sa upuan nya. Sitting pretty pa ang ganap ng lola nyo habang may nakalagay na earphone sa tenga nya.(Alangan sa ilong diba? EARphone nga e. Hahahahahaha!)



"Bes yung project ko?" Tanong ko sa kanya na mukhang hindi naman nya narinig.




"BES YUNG PROJECT KO." Kaya sumigaw na'ko malapit sa tenga nya. Hahahahaha. Mukha tuloy syang di mapaire. Epic yung mukha nya. PROMISE! Pero masamang magbiro muna ngayon yung project ang kailangan ko.




Ngumiti muna sya sakin. Bago sabihin na sa likod nya inilagay yung project ko. Pinuntahan ko ito don para tingnan pero sana hindi nalang ako nagpunta dahil sa nakita ko.




"Bes dapat magpasalamat ka sakin kasi sobrang effort ang ginamit ko jan para matapos lang." Narinig kong sabi nya habang nasa likod ko sya. Gusto kong maiyak. Sh*t hindi dahil sa nagustuhan ko yung gawa nya. Kasi pinalala nya pa.




"Bes anong ginawa mo sa project ko? Hindi naman ganyan yun eh. Ay nako naman! Pano ko aayusin 'to? First subject pa naman natin yon." Sabi ko sa kanya.




"Bakit anong problema? Maganda naman yan ah." Nagtatakang tanong nya.




"Structure yung pinapagawa ko sayo eh hindi ganyan, na akala mo galawin mo lang ng konti mukhang malalasog na." Medyo may luha na ko. Tapos nun dumating na yung teacher namin kaya bumalik na kami sa pwesto namin kinakabahan ako sa mangyayari.




Isa isang tinawag yung pangalan namin para ipakita yung gawa namin.




"Ms. Rosales?" Tawag nya sakin ibig sabihin ay ako na ang kasunod at wala na kong nagawa kung hindi kunin at ipakita ung ipapasa ko.




"Ano yan?" Tanong sakin ni Mrs. Stinson terror pa naman 'to. Hindi ako makasagot sa kanya. Nakita ko pang inalog nya ng konti yung model na gawa ni bes.




"HAHAHAHAHAHAHA." Tawanan nung mga kaklase ko. Paano ba naman kase eh natanggal yung pinakang structure dun sa pinagkakabitan. Tumingin ako kay bes. Nakita kong tumawa din sya pero nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya ay tumigil din sya. Pero halata mong natatawa pa din ito.




"Ms. Rosales, Im dissapointed to you. Anong nangyari dito?" Hindi na lang ako sumagot dito sa sobrang hiya ko.




**



Ayon din ang huling beses na pinagawa ko si bes ng kahit anong project na iaasign sa amin.




Ilang oras din namin ginawa ni Nicos yung project, si bes taga abot lang ng materials na gagamitin.




At sa wakas, natapos din.




--



Pagpasensyahan nyo na kung wala masyadong moments sila Anne. Ayoko kasi muna kiligin eh! Hahahaha.



Yung project na ginawa ni Dianne na tinutukoy ni Anne kaya ko naisip yon ay, may project kaming by group din na DNA STRUCTURE eh mali yung kinalabasan nung amin. Hahahaha. Yun nalang naisip ko.




Keep reading,voting and leave comments.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon