Part 17

162 15 11
                                    


Anne's Pov

"Masaya ka ba ngayon? Hintayin mo lang matatapos din yan. I'm watching you b*tch!"


Halos manlambot yung tuhod ko sa nabasa ko. Hindi ko alam kung sinong naglagay nito dito. Paano ko nakuha 'to?

Balak ko kasi sanang ilagay yung mga librong ginamit namin kanina sa isa 'kong subject sa locker ko. Nang mapansin ko 'to.

Pagbukas ko may nahulog na maliit na papel akala ko isang papel na ordinaryo lang o kaya papel na ginawa kong scratch ng computation. At dahil sa pagiging mausisa ko dinampot ko yung papel at ayun nga yung nakasulat.

Hindi ko alam kung sinong tao ang naglagay nito dito. Sa pagkakaalam ko wala akong kilala na nakaaway ko. Bukod sa mga tagahanga nila Nicos at saka ni Ezekiel.

"Ay kabayo ka!" Sigaw ko dahil sa gulat.

"Huy, ano tara na? Namumutla ka ata." Nagulat ako ng hawakan ni Ezekiel yung balikat ko at tinago ko naman agad yung papel sa likod ko.

Ngumiti na lang ako sa kanya at inakit na sya papuntang classroom. Hindi ko na sinabi yung nabasa ko at ayoko ng mag-alala sila para sa'kin.

--

Mabilis din namang lumilipas ang oras. Nakakailan na ding subjects ang natapos namin. "Ms. Rosales, are you listening? Tulala ka kanina pa? You are not paying attention to my lessons. May problema ka ba?"


Nagulat ako sa biglang pagtawag ng teacher ko sa'kin. Ngumiti muna ako dito at sa sumagot.


"Wala po. Sorry maam." Hingi ko ng paumanhin sa teacher namin.


"Wag mo kong masyadong kaisipin. Nandito lang naman ako sa tabi mo hindi ako mawawala. Hahahaha!" Biro sa akin ni Ezekiel.


Alam kong nahahalata na din siguro nya na parang wala ako sa sarili ko kanina pa kaya nagbibiro sya ng ganyan.

Alam kong medyo namula din ako sa sa sinabi nya kaya naman pabiro ko din syang hinampas sa braso nya. Hindi ko pinapahalata sa kanila na may tinatago ako. Ayokong mag-alala sila sakin.


Mabilis naman natapos ang klase namin pinipilit kong wag isipin kung sinong tao ang may galit sa akin.


Naglalakad ako palabas ng room namin nang bigla akong akbayan ni Ezekiel.


"Anne bukas ha? Sunduin kita sa inyo. Mga 7pm ready ka na. Sige una na ko bye." Hinalikan nya ako sa pisngi bago sya umalis kaya napatigil ako dahil sa ginawa nya. Bigla namang dumating din si Nicos sa harap ko.


"Tulala ka? Halika na uwi na tayo." Hindi pa ko nasagot sa tanong nya hinawakan na nya agad yung kamay ko. Naalala ko yung lakad namin bukas ni Nicos saka ni Ezekiel. Nagkasabay pa yung dalawa. Ano kayang magawang palusot dito kay Nicos?


"Ahm, Nicos kailangan na ba talaga tayong pumunta bukas sa bahay ampunan hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan nya muna ako saka sya sumagot.


"Hindi naman. Bakit? May gagawin ka ba bukas?" Tanong nya sakin.


Nahiya naman tuloy ako sa kanya. "Ah oo sana eh, may pupuntahan pala ako bukas nakalimutan ko. Hehe!" Sabi ko sa kanya.


"Oo, Nicos aalis kasi kami ni Ezekiel bukas kaya hindi ako makakasama sayo. Pasensya kana ha?"  Pag ayan naman ang sinabi ko baka magtampo 'to sa akin. Mas okay nang hindi ko sabihin sa kanya.


"Sige okay lang, sabihin mo lang sakin kung kailan ka na pwedeng samahan ako." Ngumiti sya sakin. Nakakaguilty tuloy! Hays.


Ngumiti na lang din ako kahit pilit.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon