Ch.06: Welcome Party

1.6K 30 2
                                    

As Long as You Love Me

Kylie's POV:

"... saan ba kais tayo pupunta bes?..." kanina ko pa kasi siya kinukulit pero iniiba niya ang usapan agad kaya nalalayo kami sa tinatanong ko sa kanya. Ito nandito kaming dalawa naglalakad sa village namin actually kalalabas lang namin ng bahay. 

Nagulat na lang ako ng makita siya don sa sala namin kanina nagsabi kasi si yaya na may naghihintay daw sakin sa baba. Minadali niya akong magbihis agad dahil meron daw kaming pupuntahan hindi pwedeng magback-out super as in SUPER importante daw na nadoon kaming dalawa.

Kaya ito kami sa labas naglalakad.

Oo, nga pala lumabas ako ng bahay ng hindi man lang pala nakapagpaalam kay yaya kung saan ba kami pupunta ni Trisha sa bahay hindi ko din naman alam kung saan ba ako balak dalhin ng bestfriend kong to.

"... Bes, sagutin mo naman ako pwede?..."

"... Bes, malapit na tayo ee..."

"... Bakit ba kasi ayaw mo saking sabihin kung saan ba tayo pupunta?..." inis kong tanong sa kanya.

Huminto kami saglit sa paglalakad.

"... ee kasi bes..."

".... kasi ano nga?..."

Bigla niya na lang akong hinila kaya napatili ako sa gulat. 

"... Bes!!!..."

"... mageenjoy ka promise!!!..." yan lang ang sinigaw niya sakin kaya wala na akong nagawa kundi magpakaladkad sa bestfriedn kong nababaliw na yata ngayon.

Buti na lang bestfriend ko nga siya dahil kung hindi...

Hay, aawayin ko talaga siya.

Hanggang sa mapanasin ko ang familiar na bahay na nasa harapan ko ngayon. Natigilan ako bigla at naramdaman kong binitawan na ni Trsiha ang kamay ko. Anong gagawin naming dala wa sa bahay na to?

Nagtataka ako ng marinig ang door bell at mas lalo akong nagulat ng makita na si Trisha ang pumipindot dito.

"... Bes!..." saway ko sa kanya.

Kung balak niyang mangtrip lang aba hindi yata ako sasama sa kagagahan niya noh? At isa pa gagawa siya ng eskandali dito sa labas dahil hindi naman namin kilala kung sino man ang may-ari ng mansyon na bahay na to.

Naalala ko tuloy yung mansyon na tinitirhan ko.

"... Bes, anong ginagawa mo?!..." halos magpanick na ako dahil walang tigil na kakapindot niya don sa doorbell button.

"... hay, na saan na ba ang tao dito?..." rinig ko ang inis sa boses niya.

"... anong gagawin natin dito bes?..."

"... e, di papasok sa loob..." obvious na sagot niya sakin. Nanlaki ang mata ko ng itulak niya ang gate at bumukas ito.

Ngumiti siya sakin.

"... Yay! Bukas pala bes kaya hindi na kailangan ng doorbell let's go!..." hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila sa loob.

"... Bes!..." sigaw ko.

Na-amaze ako sa kung anong nasa loob.

Grabe, hindi ko expected ang laki at ang luwag sa loob. Ang daming bulaklak na nakatanim at sa itsura pa lang alagang-alaga na. Ibang-iba ang itsura sa labas na para bang walang buhay dahil sa loob hindi ko maexplain ang ganda nito.

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon