Ch.18: Kiss and Make-up

1K 21 1
                                    

As Long as You Love Me

Bryan's POV:

Inagahan ko ngayong pumasok para makabawi naman sa pagabsent ko kahapon. Oo, nagawa ko ngang umabsent kahit na sinabi ko nang una pa lang hinding-hindi ko gagawin ang bagay na yon lalo na't may rason na ako at inspiration sa pagpasok pero ng dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nabali ang sinabi kong yon.

Isang araw na na 'miss' ko na hindi ko nakasama si Kylie.

Syempre,laking hinayang ko kapag naiisip ko yung bagay na yon pero nangyare na ee. Isa pa gumawa naman ako ng paraan kahapon para lang masulyapan siya kahit saglit lamng. Sa totoo lang hindi ko talaga matagalan na hindi siya nakikita akaya gumawa talaga ako ng paraan para lang mapuntahan siya kahit na may dapat akong inaasikaso sa mga oras na yon.

hay, buhay..

Basta ang kailangan kong gawin ngayon ee bumawi sa kanya.

kaya heto ako ngayon nakatayo sa tapat ng locker niya ana ilang minuto na lang nandito na siya at makikita ko na siya ulit.

Hindi na ako makapaghintay pa sa oras na yon.

Saktong pagtingin ko sa kanan kung saan matyagang naghihintay doon ko na siya nakita na paparating. Hindi na ako nagsayang pa ng segundo at sinalubong ko na siya agad.

"... Good Morning Beautiful..." nginitian ko siya bagay na kung baga automatic na kapag nakikita ko siya.

Tinignan niya ako.

"... Good Morning..."

Kukunin ko na sana yung dala-dala niyang libro katulad ng parati kong ginagawa pero nilagpasana niya lang ako. Napakamot na lang ako sa ulo   at sinundan na lang siya  agad bago pa makalayo sa akin.

Napansin ko na mas madali siyang nakapag-ayos ng mga gamit niya kaya naka-alis kami agad na dalawa.

"... Kylie... ako na lang--"

"... hindi wag na...thank you na lang Bryan.... may mga kamay naman ako para bitbitin ang mga gamit ko..." pagkasabi niya sa akin non na una na  siyang maglakad sa akin.

Para akong tuod doon na nakatayo.

Ngayon lang ako natameme ng ganito sa buong buhay ko na halos namental block ako ng dahil sa mga narinig ko.

Sinungitan niya na naman ba ako?

Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang tunong ng bell na halos ilang metro lang ang layo sa kinatatayuan ko ngayon   lalo n ng may nakabanga sa balikat ko sa kamamadali para makahabol sa klase.

Klase....

Putek nalintikan na.

Malalate na ako!

Kumaripas na ako sa pagtakbo para lang makahabol sakto naman na pagpasok ko pa lang nakasabay ko si ma'am sa daan. Nasabihanlang ako na sa susunod na malate ulit sa klase bibigyan niya na ako ng deduction. Wala na ako nagawa kundi tumango at naupo sa pwesto ko katabi ni Kylie.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang papalapit ako sa upuan. Nakatuon ang atensyon niya sa libro bagay na alam kong ginagawa niya lang para iwasan ako. Nagsimula na ang boring na klase.

Sinusulyapan ko si Kylie sinusubukan na kunin ang atensyon niya pero kahit anong gawin kong pagpapapansin wala pa ring epekto. Nakakabadtrip sobra. lalo na't alam ko ng ngayon ee may bagay na naman akong nagawa kaya siya ganyan na naman siya kadistansya sa akin.

Ano na naman bang nagawa ko ngayon?

Bakit ba iniiwasan niya na naman ako?

Badtrip naman o!

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon