Ch.23: Jelly Mode

762 20 2
                                    

Yung feeling ng may pasok na finally bukas -.-

1 week mahigit din ang bakasyon sa bahay :)

So #exoited na ako for "Got to Believe" mamaya!!

--------------------

As Long as You Love Me

Bryan's POV:

Ayos, maaga na naman at isa lang ang dahilan kung bakit pinaka-aantay ko ang oras na ito dahil papasok na sa school. Alam kong maraming magsisde comment sa sinabi ko talaga lang sigurong sinisipag.

Sinisipag na pumasok para lang makita ang inspirasyon ko.

Naka-naman!

Oo, sige na inaamin ko kaya lang naman gusto kong pumasok araw-araw ee para lang makita siya tapos isabay na natin yung 'pag-aaral' ng mabuti ng makatapos at makakuha ng 'magandang' trabaho.

Ayos na ba iyon?

May masabi lang ako sa inyo.

Dapat ang distinasyon ko ngayon ee sa tapat ng locker ni Kylie pero hindi ko na siya mahintay ngayon kaya nga napagdesisyunan kong hintayin na siya mismo sa parking lot.

Kaya nga heto ako ngayon naglalakad na.

"...Hi, Bryan..."

"...Hello, Byan..."

"...hey, good morning Bryan..."

Mga taong bumabati sa akin ng makasalubong ko sila sa daan. Nagnod na lang din ako bilang ganti sa pagbati nila sa akin. Sa totoo lang kasi hindi ko naman sila kilalasa pangalan kung sa mukha medyo pa.

Sa dami ba naamn ng taong halos araw-araw kong nakakasalamuha hindi ko na makabisado ang sangkatirba na dami.

Ayos na yung namumukhaan ko sila diba?

Napahintio ako sa paglalakad ng makita si Kylie.

Laking tuwa ko pero nawalan lahat ng iyon sa siang iglap ng mapansin kong hindi siya nag-iisa. May kausap siyang lalake at hindi ko agad nagustuhan ang lapit nila sa isa't-isa.

Para sa akin lumalagpas na siya sa 'space' na DAPAT doon lang ang hangganan niya.

Tinignan ko silang dalawa at lalong-lalo na sa lalakeng iyon na ngayon nakangiti kay Kylie. Mukha yatang may gustong makatikim sa akin ngayong umagang-umaga.

Pinakalma ko ang sarili ko sa mga oras na iyon dahil 'konting-konti' na lang talaga may mauupakan na ako.

"... Bryan..."

Nagdidiscuss si ma'am sa unahan ngayon at kahit anong pilit kong magfocus sa bagay na sinasabi niya hindi ko pa din maiwasan na bumalik lahat ng nakita ko kaninang umaga sa hallway.

Badtrip.

"... Bryan..." narinig ko na naman yung boses niya na tumatawag sa akin kanina pa.

Alam kong mali na hindi ko siya pansinin pero masisisi niyo ba ako sa katayuan ko ngayon dahil alam kong kapag tinignan ko siya....

Wala na.

Natapos ang buong klase nitong umaga na pilit ko siyang iniiwasan pero syempre may pagkakataon na hindi ko matiis at sinusulyapan siya sa gilid ko. Hindi ko pamigilan ee ang ganda sobra. Nawawala agad yung 'pagka-inis' ko doon sa mokong kanina.

Lintek.

"... Ok, that's for today good bye class..."

Hinintay ko siyang makatapos na mag-ayos ng gamit. Kinuha ko na agad yung mga libro niya at nauna ng maglakad papunta sa labas bale hinintay ko na lang pala siya sa labas ng pintuan.

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon