Ch.08: Teaming-up

1.3K 28 3
                                    

As Long as You Love Me

Bryan's POV:

Bumangon ako agad sa kama ng marinig ang alarm clock sa totoo nga kanina pa ako gising at panay ang sulyap sa orasan. Hindi na ako makapaghintay na pumasok sa skwelahan-Wala akong sakit pangungunahan ko na kayo dahil nasa matino pa naman akong pag-iisip sa mga oras na ito. Ang kinaibahan nga lang ee mas ganado ako ngayong pumasok dahill may inspiration e.

Matapos ang ilang minuto para magshower nagbihis na ako agad ng uniform ko at kinuha yung bagpack bago tuluyang bumaba. Wala ako sa mood ngayong magluto dahil nga mag-isa ako sa bagay obligado akong magluto ng pagkain ko. Hindi kami nagkakasama ni lola dito sa bahay bale may malapit siyang nirerentahan na bahay don sa  University. Noong umalis kasi ako halos nalungkot daw siya dahil mag-isa siyang nakatira sa mansyon na to at naisipang maghanap na lang ng mas maliit na bahay na lilipatan.

Saktong pagdating ko sa paradahan may nakita ako agad na bakante kaya mas napadali ang pagbaba ko ng sasakyan. Matapos kong marinig ang security alaaaarm ng kotse ko naglakad na ako papasok sa loob.

Madami-dami na ding tao sa hallway ng mga oras na to.

Ng tignan ko ang relo ko para i-check ang oras nakita kong halos 25minutes pa akong tatambay.

Hindi pala maghihintay sa pagdating niya.

Sinong ang tinutukoy ko?

Alam niyo na kung sino yon.

Nagpunta na ako agad kung saan parati ko siyang nakikita na dumadaan para ilagay yung iba niyang gamit bago pumasok sa klase. Saan pa nga ba? E di sa locker niya kaya nga doon na ako tumambay.

Nagsoundtrip muna ako habang hinihintay siya.

Napapansin ko na halos lahat ng taong napapadaan sa pwesto ko ee kundi lumilingon nahuhuli ko silang sinusulyapan ang direksyon ko.

Napangiti ako.

Hindi na iba ang ganyan senario para sakin. Buti nga dito ang mga tao ee hanggang tingin lang kuntento na sa dati ko kasing pinapasukan kulang na lang sunggaban ka makuha lang ang atensyon ng taong gusto nila.

Alam kong wierd kung iisip pero yon ang totoong nangyare at experience na din sa dati kong pinapasukan na University.

Kung bag ang mga tao dito sa Probinsya may hiya pa kahit papaano.

Ng igawi ko ang tingin ko sa kanan doon ko siya nakita.

Napansin kong may tinitignan siya sa hawak niya ngayon na notebook at kamuntikan na nga siyang makabunggo ng kasalubong mniya pero laking salamat ko ng hindi yon nangyare.

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya hanggang sa mapansin niya siguiro na may taong nakamasid sa bawat kilos niya.

Doon na siya tumingin sa direksyon ko.

Nakita kokung paano umawang ang labi niya ng makita ako.

Ngumisi ako sa reaksyon niya lalo na ng makita ko kung paano niya iniwas ang tingin niya mula sakin.

Naglakad na siya palapit sa akin at sa puntong yon halos nakayuko siya.

"... Excuse me..." narinig kong sinabi ni Kylie.

Gumilid ako   para amay space siya na buksan ang locker niya pero nanatili pa rin ako sa tabi non. Hindi ko to papalagpasin lalo na't siya talaga ang pakay ko sa paghihintay dito ng ilang minuto.

"... Good Morning Kylie..."

Sinulyapan niya ako saglit at may nilagay na libro sa loob.

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon