Ch.31: Proposal

488 13 0
                                    

As Long as You Love Me

-Lopez Industries-

Isa-isa ng nagwiwidthraw ang mga main stockholders ng kumpanya ko. Ang Lopez Industries. Ni minsan hindi ko nakitang mangyayare lahat ng ito dahil kampanteng-kampante akong magiging maayos ang lahat ayon sa kagustuhan ko gamit ang business skills na ilang taon kong sinanay sa field ko.

Ni minsan hindi man lang sumagi sa utak kong babagsak ang kumpanya ko ng ganito kalala na halos mangutang na ako sa iba’t-ibang bangko para lang maisalba kahit papaano ang operation ng Lopez Industries.

Siguro masyado akong nagfocus kung paano ko ba mas mapapalaki ang field ng Lopez Industries at napabayaan ko na ang iba pang importanteng bagay sa pagpapatakbo ng isang kumpanya.

Dumating na nga sa puntong halos wala ng tumatanggap sa amin na bangko paraa magloan. Alam na siguro nila at nakatunog na din na nasa critical condition na ang uutang na kumpanya sa kanila.

Sa business na tulad nito alam kong wala ng tutulong sa mga pabagsak at palugi.

Isa na ngang halimbawa niyan ang nangyayare mismo sa akin.

Pero hindi ako papaya ng ganun-ganun na lang matatapos ang lahat ng pinagpaguran at oras na ginugol ko para lang magkaroon ng business name ang kumpanya ko na sinumulan kasama ang aking asawa.

Gagawin ko ang lahat.

Gagawa ako ng paraan para lang muling maibalik sa dati ang lahat. Hinding-hindi ako papaya na mapunta sa wala ang nasimulan naming mag-asawa.

Hinding-hindi.

“Sir, ready na po yung kotse at driver…” tumayo na ako at binigay yung folder kung sasaan nakalagay yung proposal na ibibigay ko sa investors mamaya.

“Ilagay mo yan sa bag ko at ibigay sa driver ko”lumabas na ako ng office at pumasok sa elevator pababa sa ground floor. Bawat hakbang na ginagawa ko palabas ng building iniisip ko kung anong pwedeng mangyare kapag na-approved ang proposal na ibibigay ko sa mga investors na natitira kong alas ngayon.

Kailangan na mapapirma ko sila at mapapayag ng sa gayun magiging maayos na ang lahat.

------------------------

Nakita ko agad si Mr.Li at ang asawa niya. Bilang isang businessman na katulad ko may aura ng ‘authority’ at ‘power’ na nanggagling sa kanya ngayon. Silang dalawa ngayon ang importanteng taong makakatulong sa malaki kong problema ngayon.

“Good afternoon Mr.&Mrs.Li” nakipagkamay ako sa kanilang dalawa bago maupo.

Matapos naming kumain na tatlo ayon sa nakasched hindi na ako nagaksaya pa ng oras at sinumulan na ang dapat kong gawin. Sinimulan ko ng magdiscuss tungkol sa tunay kong reason kung bakit ba nagpa-aappointment ako ng dinner sa mga Li.

Kailangan ko ng lakasan at tatagan ang loob ko ngayon bago ko sa kanila ilabas lahat.

Sa totoo lang nung oras na malaman kong nagbigay ng ‘letter’ sa office na nagsasabing interested ang maginvest ng pera sa kumpanya ko sa kabila ng malaking financial needs ng Lopez Industries.

Kaya nga halos nabunutan ako ng tinik at gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko ng malaman ko kung kanino galing ang sulat na iyon.

Sa Li Corporation.

“Mr.&Mrs. here is the proposal of the Lopez Industries to the Li Corporation” binigya ko na yung folder na kinuha ko sa attached case.

Binasa ni Mr.Li habang si Mrs.Li naman nakatingin din sa papel.

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon