Ch.22: 101 with YABS

930 21 2
                                    

Maulan na aftie guys!

Kanina lang ang init then maulan?

Anyways, enjoy!

---------------

As Long as You Love Me

Kylie's POV:

Ang tulin ng araw akalain niyo iyon weekend na naman. Kaya nga tinanghali na ako ng gising kundi lang siguro dinadaan-daanan ako ni Cola hindi pa ako magigising. Ang likot-likot niya sa kama gusto niya na akong gisingin para makalabas na siya. Nagpromise ako na ilalabas siya ngayong araw ng Sabado at it seems that excited na siyang gumala sa labas.

Pasaway talaga tong alaga ko.

Bumangon na ako matapos yung walang tigil niyang pangungulit sa akin at nag-ayos na. Ilalabas ko siya ngayon katulad pa din ng dati maglalakad-lakad kaming dalawa. Mas feel lang tala ni Cola na makagala sa subdivision kaya heto hyper na hyper ang alaga ko.

Bumaba na kami at dumiretso sa kusina para magpaalam kay yaya na lalabas kaming dalawa. Naabutan ko siya doon na naglilinis ng pinggan.

"... Good morning 'ya..."

Nilingon niya ako agad at ngumiti.

"... Anong gusto mong lutuin ko? Anong gusto mong kainin?..." sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Umiling ako at dumiretso sa ref para kumuha ng maiinon at nakakita nga ako ng juice.

"... hindi na 'ya..."

"... Sigurado ka? Juice lang ang kakainin mo?..."

Nagnod ako.

"... ilalabas ko lang po saglit si Cola babalik din kami agad..."

"... O, sige. Anong gusto mong lutuin ko na ulam mamayang tanghali?..." tanong niya sa akin.

Naglakad na kami palabas ni Cola.

"... kayo na pong bahala 'ya. Alis na po kami..." naglakad na ako bitbit si Cola ng mapansin ko agad yung taong nakatayo sa tapat ng gate namin. Nakilala ko agad yung sasakyan na nakaparada lalo na yung kulay nitong silver at dahil medyo maaraw na nakakasilaw sa mata.

Sumalubong agad sa akin yung mukha ni Bryan na nakangiti.

Nakatayo siya habang nakasuksok kong dalawang kamay sa loob ng bulsa ng pantaloon niya. Nakasuot siya ngayon ng red checkered shirt na bagay sa kanya. Lahat naman yata ng suotin ng taong nasa harapan ko ngayon mapat-shirt lang bagay pa din.

"...Good Morning..."

Hindi ko na namalayan ng mabitawan ko si Cola dahil pumipiglas siya. Narinig ko na lang na tumawa si Bryan at kinuha niya si Cola para buhatin. Tinignan ko lang silang dalawa hanggang sa makita kong na sa akin nap ala yung tingin ni Bryan.

"... Mukhang may lakad yata kayong dalawa..."

"... ilalabas ko lang sana siya ngayon..."

"... Ganun ba?..." nagnod ako sa kanya.

"... O, bakit nga pala napadalaw ka?..." tanong ko sa kanya.

"... Gusto ko sanang ayain ka na lumabas... Kung gusto mo isama na din natin si Cola..." dagdag niya agad sa akin. So, pumunta talaga siya dito sa bahay para ayain akong lumabas ngayong araw? Kadalasan kasi tuwing Sunday kami gumagala pero ayos lang wala naman akong gagawin kundi ilabas lang tong si Cola at sa tingin ko mas masaya kung sasama na lang kami kay Bryan.

"... tara na?..."

Nginitian ko siya.

Bilang 'gentleman' pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya at pumasok na sa loob. Nakahiga sa lap ko si Cola maya-maya lang sumundo na din si Bryan. Pinaandar na niya yung sasakyan ng may bigla akong naalala. Tinext ko agad si yaya na hindi ako kakain ng tanghalian sa bahay ngayon.

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon