Ch.13: Get-to-Know

1K 21 1
                                    

As Long as You Love Me

Kylie's POV:

The next day which is Monday new start na naman ng week. Ibig sabihin non mamemeet  ko ulit si bes at makaka-alis na ako sa bahay. Ang ganda ng gising ko kaninang umaga siguro dahil sa nangyare kahapon? oo, yun nga ang isa sa mga dahilan kung bakit ba good mode ako ngayong araw.

Napapangiti na lang ako sa tuwing naalala ko yon until now.

"... Thank you manong..." bumaba na ako agad ng sasakyan at pumasok na sa loob.

Nakakagood vibes talaga ngayong araw basta feel ko lang kaya nga gusto kong mamaintain ang good vibes na nararamdaman ko hanggang mamaya. Nakakaganda kaya ng pakiramdam lalo na kapag nakikita mong nakangiti rin ang mga taong nakakasalubong sa daan.

Nakakagaan ng loob.

Binilisan ko na ang paglalakad para makapunta sa locker ko. Bakit nga ba ako nagmamadali?

Ayan na naman ang blush na yan.

Yumuko ako agad para hindi mapansin ng mga taong nakakasalubong ko sa hallway. Ewan ko ba kung bakit ganon na lang magreact ang katawan ko kapag naalala or namemention si...

Si...

"... BES!!..." halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang sumigaw.

Nilingon ko agad kung saan nanggaling ang boses at nakita si Trisha na nakangiti habang papalapit sa akin.

"... Bes..." niyakap niya ako agad.

Ngumiti siya.

"...Pasensya na bes ha kung hindi ako nakasama sa gala natin kahapon. Masama talaga ang pakiramdam ko ee..."

 

"... Ok, lang naman..."

 

Nakita ko ang ngiti niya yung tipong may 'something'

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

".... O, kamusta?..."

 

"... k-kamusta? Ok lang naman..." sagot ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya agad dahil alam ko na kung saan mapupunta ang 'topic' na to. Nagsimula na akong maglakad pero this time binagalan ko na dahil may kasama na ako ngayon.

"...Kamusta kako ang gala niyo ni insan..." sabay tusok ni bes sa tagiliran ko kaya napahiaw ako sa gulat.

"... Bes!..." saway ko.

Tumawa siya.

"... So, kamusta nga? Nag-enjoy ba ang bes ko sa company ng insan ko?..." nangingiting tanong niya sakin habang tinutusok pa din ako sa tagiliran.

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon