Ch.10: Baby Steps

1.3K 28 1
                                    

As Long as You Love Me

Kylie's POV:

Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko pa lang kaninang umaga. Ewan ko ba siguro dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kaka-isip. Isa na nga don yung nangyare kahapon sa aming dalawa ni Bryan. Hindi pa din kasi maalis sa isip ko ang mga oras na yon e lalo na nung makita mismo sa ma mata niya yung 'hurt' ng may nasabi din akong alam ko namang nadala rin dahil sa hindi ko ma-explain na feelings.

Gusto ko sanang humingi ng 'sorry' sa kanya dahil sa pagiging moody ko na naman. Napasin din pala kasi ni bes ang bagay na yon e sa totoo nga lang nagpunta pa siya sa bahay para lang i-check kung ayos na daw ang lagay ko. Hindi ko namang masabi na involved nga don ang pinsan niya.

".... Nandito na tayo ma'am..."

"... Salamat po, manong..." sinuot ko na agad yung bag ko at niyakap sa dibdib ang mga libro bagop ako bumaba at lumabas ng kotse.

Humunga ako ng malalim.

Ng makita ko yung pangalan ng University namin mas lalo akong nawalan ng ganang pumasok ngayong araw.

Walang ganang pumasok?

Hindi ba nga gusto ko ng weekdays kasi malaya akong makakagalaw dahil kapag weekends para akong nakakulong sa mansyon na bahay na yon. Sa totoo nga nasasakal na ako at kung may ibang choices mas gugustuhin ko pang tumira sa isang apartment at magsarili na lang pero wala pa ako sa tamang edad para gawin ang mga bagay na yon.

Walang mabuting kahahantuntungan ang mga bagay na padalus-dalos.

At isa pa alam kong ikagagalit yon di daddy.

Pero ang tanong ko sa sarili ko ngayon bakit para yatang nag-iba ang ihip ng hangin?

Siguro dahil alam kong madidisappoint ako sa kung anong maabutan ko sa loob?

Sino bang ineexpect kong makita?

".... hayy..." napabuntong hininga na lang ako at nagsimula ng maglakad paapsok sa loob. Hinigpitan ko ang yakap sa libro ko habang nakatuon ang tingin ko sa didaan ko ngayon.

Naririnig ko yung mga tawanan ng mga magbabarkada sa gilid.

Meron namang masayang magkaibigan na naguusap habang naglalakad.

Naalala ko tuloy si bes.

Syemre hindi maaiwasan yung mga studyanteng walang pakelam sa rules and regulations ng school kaya nagagawa na nilang lahat ang mga 'trip ' na maisipan nila at isa na nga don ang takbuhan na kadalasan ee sa hallway.

Huminto ako ng ilang metro mula sa locker area.

Nandoon yung expectation na makikita ko siya ulit na nakasandal mismo doon sa tapat ng locker ko pero malaki ding part na tanggap ko ng wala akong maabutang tao don.

Ng dahil sa nangyare sa aming dalawa kahapon malamang tuluyan na nga siyang lumayo sa sakin.

Expected ko na na hindi ko makikita si Bryan don pero hindi ko rin maitatago na disappointed ako sa bagay na yon.

At ng tuluyan ko na ngang sulayapn ng tingin yung locker sa gilid doon ko nga naramdaman yon.

Yung lungkot.

Siguro hindi niya na 'trip' gawin ang pagtambay doon baka naman may bago na siyang nakitang mas better place para pagtambayan kasama ang mga kaibigan niya.

Kabarkada niya.

Naalala ko ng nasabi niya sakin na kaya daw hindi siya makakasabay saming kumain ni bes ay dahil inaya daw siya ng mga kabarkada niya.

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon