Ch.26: Grounded

777 22 6
                                    

Good Eve!

----------------

As Long as You Love Me

Bryan's POV:

Nakailang beses na akong tumingin sa relo ko pero hanggang ngayon wala pa din si Kylie. Maaga akong umalis sa bahay kaya halaos kalahating oras na siguro akong nakatayo dito para hintayin siya. Tinignan ko ulit yung oras as relo ko at nakiotang 10 minutes na lang magbebell na.

Sumandal muna ako medyo nangangawit na kasi yung paa ko.

Baka may inasikaso lang siya kaya nalate siya ng dating diba?

O di kaya baak natraffic lang?

Oo, nga baka natraffic lang.

May 9 na minuto pa naman na natitira at natitiyak kong maya-maya lang makikita ko na siya diyan.

Makikita at makakasama ko na ulit siya.

Pinagmasdan ko na lang yung sapatos ko.

Nililibang ko na lang ang sarili ko.

Sinulyapan ko yung hallway na nasa kaliwa ko. Nagbabakasakaling makita ko na siya doon na naglalaakd pero laking dismaya ko ng wala yung mukhang kanina ko pa gustong makita.

Yung ngiti na sa araw-araw tuwing umaga sumasalubong sa akin.

Napabuntong hininga ako.

Tinignan ko ulit yung oras sa relo ko.

5 minutes.

Na saan na kaya siya?

3 minutes.

1 minute and 32 seconds.

52 seconds.

10 seconds.

2...

1...

Narinig ko na yung bell hudyat na magsisimula na ang klase. Wala na halos na tao sa hallway ngayon at biglang tumahimik. May nakita ma akong nagmamadali sa paglalakad maka-abot lang sa klase ngayong umaga.

Sa tingin ko kailangan ko na ding maglakad dahil kung hindi kailangan ko pang dumaan sa guidance para makakuha ng slip.

Hindi ako makapagfocus sa sinasabi ni ma'am.

Ni hindi ko na ngang nagwang masagutan yung seatwork kanina.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon.

Hindi ako mapakali kasi wala si Kylie at sa tingin ko kailangan ko na siyang matawagan man lang dahil nag-aalala na ako kanina pang umaga.

Nagtaas ako ng kamay.

"... Yes, Bryan?..."

"... Ma'am may I go out?..." ng makita ko siyang tumango sa akin tumayo na ako agad at lumabas ng classroom.

Kinuha ko agad yung cellphone ko at naglakad kung saan tahimik.

Tinignan ko ang contact ko at nakita yung pangalan ni Kylie.

Bebs.

Ilang beses kong sinubukan pero nabigo akong macontact siya.

Cannot be reach.

Sh*t.

Ano bang nangyayare?

Sumubok ako ulit pero katulad ng kanina yun lang din ang narinig ko. Doble ang kaba at pagalala ko ngayon lalo na't wala akong magwa dito kundi tumanga.

Nakakainis.

Bumalik na ako sa classroom medyo matagal na kasi akong nandito sa labas. Konting oras na lang din kasi ang natitira at magbreak na. Kakausapin ko agad si insan tungkol dito at baka may alam siya sa nangyayare.

As Long as You LOVE Me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon