Kaarawan

21.2K 277 52
                                    

Nagising si Anna sa putok ng baril......

Pumunta sila ng boyfriend nya sa isang club sa Maynila. Siksikan ang mga tao sa dance floor.

Isa-isang nagsidatingan ang kanilang mga kaibigan.

"Happy birthday Anna!"

"Hi Janice, thanks for coming!"

"Andaming cute guys dito!", kinikilig na sinabi ni Janice

"Huwag ka ngang maingay, baka marinig tayo ni Fred.", wika ni Anna

"Hay naku, bakit ba sobrang strict ng nobyo mo. Ayaw ka pang payagan sa girl's night out natin, gusto pa kasama sya at ang ibang mga guys.", sabi ni Janice

"He's just worried na maparami ang inom natin. Ayaw mo non, may designated driver tayo.", tugon ni Anna

"Round of drinks for the birthday girl!!!", sigaw ni Fred.

"Shot! Shot! Shot!", nagkakagulong sinabi ng mga tao sa kanilang paligid

Iba't-ibang alak ang ininom ni Anna.

"Ok naman pala ang boyfriend mo eh.", wika ni Janice

"I told you, he's a cool guy. Come on, let's dance." Hinila ni Anna si Janice sa dance floor.

Sunod-sunod namang nagsidatingan ang mga kaibigan nilang sina Angelo at ang girlfriend nitong si Lindsay. Pati na rin si Patricia, Raymond at Gladys.

Nagkakasayahan ang barkada. Tuloy ang sayawan at inuman except kay Fred na nag-eenjoy lang na kasayaw si Anna.

"Are you having fun babe?", tanong ni Fred

"Hell yeah! Hahaha!", tugon ni Anna

Lumalim ang gabi at unti-unti ng nag-sisialisan ang mga tao. Naunang nagpaalam sila Anna, may pasok pa kasi si Fred kinabukasan.

"Guys, it's been fun but I'm sorry that we have to go.", wika ni Anna

"Anna, sabay na lang ako kila Angelo.", sabi ni Janice

"Ok, kitakits na lang ulit! Mwah, mwah, mwah!" Inisa-isa ni Anna ang pagpapaalam sa mga kaibigan nya.

Pagkalabas sa club ay deretso nilang hinanap ang kotse ni Fred. Nang malapit na sila sa kotse ay biglang may humila kay Anna. Iginapos ng holdaper ang kanyang braso sa leeg ni Anna at tinutukan ito ng baril sa ulo.

"Fred!", sigaw ni Anna 

Paglingon ni Fred, saka lang nya namalayan ang nangyayari. "Anna!"

"Wag kayong sisigaw. Ibigay mo sa kin ang pera at cellphone mo.", sabi ng holdaper kay Fred

"Fred!", nagpupumiglas na sigaw Anna

"Huwag kang magulo kundi ipuputok ko ito.", sabi ng holdaper

"Parang awa mo na, wag mo syang sasaktan. Eto na oh!" nanginginig na iniabot ni Fred ang kanyang pitaka

Patuloy na nagpumiglas si Anna hanggang sa makatakas ito sa kamay ng holdaper.

Napabalikwas si Anna sa kanyang higaan. Nagising sya sa isang masamang panaginip. Sariwa pa sa kanyang alaala ang alingawngaw ng bala na kumitil sa kanyang buhay.   


PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon