Part 3

88 1 0
                                    

Dylan's Pov ~

Bakas sa mukha ni tristan ang hapdi ng kanyang nararamdaman .

" ala eh itong bata naman ay nakakahawa " sabi ni mang isko na ngayon ay napapaluha dahil kay tristan .

" Mahal .. ko po ang .. asawa ko .. pero bakit nya .. ginawa .. sakin ito .. saan ako .. nagkulang .. " putol putol napahayag ni tristan dahil sa pagiyak nya .

" maaring hindi ka nga nagkulang sa asawa mo hijo , Sobra sobra na ang naiibigay mo ngunit para sa asawa mo ay kulang pa yun , dahil kung sapat kana sa kanya wala ka sana ngayon dito na umiiyak " Si mang isko

" Hijo , Walang binibigay ang dyos na pagsubok na hindi natin kakayanin "

" Pero .. b-bakit itong pagsubok na i-ito ang .. binigay nya .. K-kung kailan .. may anak .. na kami .. bakit hindi pa noon .. "

" siguro dahil nakita ng diyos na masaya ka sa kanya . Pero ang asawa mo ay hindi na yata masaya sayo , wag mong sisihin ang panginoon bagkus ay magpasalamat ka dahil nilalayo ka nya sa mga taong sasaktan ka lang "

" H-hindi hindi ko sya mapapatawad . Kahit lumuhod sya ay walang kapatawaran syang makakamit s-saakin " bakas sa muka ngayon ni tristan ang galit sa kanyang asawa .

" Malalagpasan mo din yan pare " tinapik ko ang balikat ni tristan para naman gumaan kahit papano ang loob nya .

" Nasasabi mo lang yan dahil galit ka hijo , pero kapag ikaw ay masaya na ulit magkukusa ang puso at isip mo na patawarin ang asawa mo " sabi ni mang nardo

" salamat ho sa inyo , kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko , ikaw pare ingatan mo asawa mo ha " Sabay tapik sa braso ko ni dylan .

Affair ( on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon