Part 11

63 2 0
                                    


Dylan's Pov ~

" Ang sarap sa pakiramdam na makitang tapos na ang pinagpaguran natin " Nakangiting sambit ni mang nardo .

Sa wakas kasi ay natapos din naming maipatayo ang building na ito . Hinihintay nalang namin ang aming forman para sa susunod naming trabaho .

" Magandang tanghali ho , mang isko at mang nardo . Sayo rin dylan . Traffic kasi kaya kararating ko lang " Bati ni sir froilan saamin .

" Ayos lang hijo . May trabaho pa bang naghihintay saamin jan " si mang nardo .

" Meron ho , ngunit malayo . Sa Cavite po kasi ang bagong trabaho natin . Isa ho syang pabahay na subdivision . Wala naman ho kayong iisipin dahil sagot ho ang inyong upahan at pagkain . Wala na ho kayong iisiping gastusin dun at tataasan ho ang sweldo ninyo . Pero maiintindihan ho namin kung may hindi .ho makakasama dahil malayo po talaga kasi yun " Pagpapaliwanag ni sir froilan .

" Naku . Napakabait talaga sa atin ni sir Rafael . Mukang hindi ako makakatanggi jan " Sagot ni mang isko .

" Oo nga ho , ito ho ang number ko . Itext nyo ho ako kung makakasama ho kayo dun . Dahil ang balak ho sana bukas na tayo luluwas "

" Ah ganun ba sir .sige ho tatawagan ko na lang ho kayo kung papayag ang aking asawa "

" Hindi ka pa naalis ay mukang namimiss mo na ang asawa mo ha " pagbibiro ni mang nardo .

" Haha. Mga tatlong linggo lang naman ho siguro ang itatagal nyo dun dahil marami naman ho kayong magtutulong tulog doon , sige ho mauuna na ho ako sa inyo , dylan mauna na ako . " pag papaalam ni sir froilan .

" Sige sir , magingat kayo "

Niligpit namin ang mga gamit bago kami umuwi . Papayag naman siguro ang asawa ko dahil tatlong linggo lang naman yun at mukhang malaki din ang maiipon ko doon . Masaya akong bumbyahe pauwi saamin , pasado alas dose palang baka magtatanghalian palang ang aking asawa .

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ..

Hon , sabay tayo maglunch pauwi na ako . I love you ..

SEND .

Ilang minuto pa ang nakalipas ng makadating ako sa bahay .
Bakit walang tao? Pumunta ako sa kwarto namin pero wala din dun ang asawa ko . Humiga nalang ako sa kama at magpapahinga baka nagkita sila ulit ni rialyn o ni sophia .

nagising ako ng nagriring ang cellphone ko .

" Hello , sophia bakit ka napatawag ? " tanong ko .

" Ah . Nanjan ba si marian .. sabihin mo naman sa kanya dadaan ako jan bukas ha . Magluto na sya ng favorite ko "

" Haha. Sige akala ko ay magkasama kayo ngayon . Wala kasi sya dito baka pumunta kala rialyn " Sagot ko .

" Huh? Kausap ko lang kanina si ria kami nga ang nagplano na pupunta kami jan eh . Ah sige ibaba ko na ha .. tinatawag na ako ng boss ko . Bye "

Hindi man lang nagpaalam sakin si marian kung saan pupunta . Akala ko naman ay nasa mga kaibigan lang bigla tuloy akong nagalala . Tatawagan ko na sana ang asawa ko ng biglang may kumatok sa pintuan .

" Oh . Hon , san ka galing " pagaalalang tanong ko .

" A-ah .. pumunta a-ako kala sophia h-hon . " sagot ni marian na ipinagtataka ko .

_______

Affair ( on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon