Dylan's Pov ~Masaya ako ngayong pumapasok sa trabaho dahil pinagbigyan ako ng aking asawa sa aking hiling . Isang taon na kaming nagsasama ngunit wala pa kaming anak .masaya ako dahil naiintindihan ako ng asawa ko .
" Oh , Manong Isko ang aga nyo ho ata " Isa sa kasamahan ko sa trabaho . Isa lang akong construction worker pero sapat na ang aking kita para sa aming magasawa . Pag wala kaming pasok ay umeextra ako sa resto ng aking pinsan .
" ay paano nagtext si Nardo ay agahan ko daw , eh hanggang ngayon ay wala pa eh " Sagot ni mang isko . Mabait at masipag si mang isko sa edad na 46 ay kumakayod padin sya para mapatapos ang anak nya sa kolehiyo . Isang taon nalang ay gagraduate na ito .
" Oh . Ayan na ho pala si mang nardo "
" Ay nako nardo napaka yabang mo sabi mo ay agahan ko yun naman pala eh mahuhuli kadin naman " Sabi ni mang isko na parang naiinis .
" Pasensya kana isko , ito kasing si Tristan ay hindi na yata papasok . Nagaaway ang magasawa . Naku may kabit daw na kano etong si Karla "
" tsk.tsk ! Mga babae talaga oh ay siya hayaan natin sila . Kawawa naman si tristan "
" oo nga po , diba magdadalawang taon na po silang kasal? " tanong ko kay Mang nardo .
" Oo hijo , ewan ko ba dun kay karla. Palibhasa madatung ang kano ay pinatulan! Kawawa ang anak nila . Mukhang pera talaga! " halata sa tono na galit si mang nardo sa asawa ni tristan .
" Ikaw talaga. Ay hayaan muna ang magasawang yun . Wag na natin silang pakialamanan . Diyos na ang bahala kay tristan at sa pamilya nya " Malumanay na sagot ni mang isko .
Hindi na muli namin binuksan ang topic na yun at naging busy na kami sa pagttrabaho .
" Nako dylan , eto ngang si isko ay laging nakukurot ng kanyang asawa noon pag ginagabi ng uwi " natatawang kwento ni mang nardo . Nandito kami sa maliit na kubo nagtatanghalian ..
" Aba , hindi naman katulad mo . Hindi ka pinapatulog sa kwarto nyo kapag wala kang dalang pera , paano ay lagi mong sinusugal "
" Nagkamali ka ng balita jan isko . Ang asawa ko ang hindi ko pinapatabi saakin "
Nagtatawanan lang kami at nagkkwentuhan sa tuwing oras ng tanghalian.
" Oh , Tristan . Bakit ganyan ang itsura mo " Gulat na tanong ni mang isko kaya lumingon ako at nakita ko si tristan na gulo gulo ang buhok at halatang lasing .
" Ayos lang ho ako mang isko , wag nyo na ho akong intindihin . Ayos lang ho ako " pagkasabi noon ni tristan ay nakaramdam ako ng awa ng makita kong umiiyak sya .
_____
V o t e && C o m m e n t
Mga Labidabs ~❤
![](https://img.wattpad.com/cover/52335240-288-k269913.jpg)
BINABASA MO ANG
Affair ( on-hold)
Algemene fictieMakalipas ang isang taon ay muli kaming nagkita ng aking taksil na asawa . Ang babaeng minahal ko higit pa sa buhay ko ay ang babaeng hindi alam ang salitang kuntento ~ " Kung mahal ka nyan , hindi ka nyan BABALIKAN . kasi nung una palang hindi ka...