Part 10

79 2 0
                                    

Dedicated to SalvadorAlen

Marian's Pov ~

Dalawang araw na ang lumipas simula ng magkita kami ni tristan . Hindi na rin muling tumawag si zach sa akin . Siguro nga ay nagalit sya dahil nalaman nyang may asawa ako . Siguro mas okay na yun na wala ng communication samin lalo na't nakita pala kami ni tristan .

Ayoko naman napagdudahan ako ng asawa ko . Katatapos ko lang din maligo ng may kumakatok sa pinto .

" Wait Lang ! " Sigaw ko . Nagmadali akong sinuot ang underwear ko at sinuot ko ang daster na puti na naka sampay sa cr. Dali dali akong bumaba at baka si Sophia yun , mainipin pa naman ang bruhang yun .

" Oh --- ZACH ?? " halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa harap ng pintuan namin . Anong ginagawa nito dito at paano nya nalaman na dito ako nakatira .

" Paano ka nakapunta dito zach ? Teka! Pumasok ka baka may makakita sayo jan! " dere deretso kong tanong kay zach. Isinara ko ang pinto at tsaka sya hinarap .

Hindi ko alam pero bigla akong nahiya ng hindi ako sagutin ni zach dahil naka tingin sya sa suot ko . SHIT! nakalimutan kong naka daster lang ako at manipis lang yun .

" A-ahh. Mag papalit lang A-ako " hindi ko na hinintay ang sagot ni zach at umakyat na ako ng kwarto at nagpalit .

" Anong ginagawa mo dito zach? At pano mo nalaman na dito ako nakatira ? "

" Sinundan kita . Nung araw na nagkita tayo " sagot nya at humarap sya saakin . Tiningnan nya ulit ako . Nakasuot ako ng Yellow na shirt at naka short na maong .

" Mas maganda yung suot mo kanina "

" Bastos " Sagot ko at hinampas sya sa braso nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilahin at yakapin .

" Namiss kita marian " parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng magdikit ang balat namin ni zach .

" A-ah , K-kumain ka na b-ba ? P-paghahanda k-kita " kumalas ako kay zach at iniba ang usapan . Mali ito .

Pupunta sana ako ng kusina para ipaghain sya . Ngunit pinigilan nya ako , heto na naman tayo .

" Hindi na ako magtatagal . May meeting ako ngayon . Tsaka baka biglang dumating ang asawa mo . Nahablot ang cellphone ko nung araw din na tinawagan kita , hindi naman ako nakatawag sayo agad dahil nagkaroon ng problema sa kompanya . Aalis na ako , magingat ka " pahayag ni zach .

Naiwan akong nakatulala at nakahawak sa labi ko ng makaalis si zach . Hinalikan nya ako ng hindi man lang ako tumanggi .
Mali ito . Iniling iling ko ang sarili ko at ipinilit alisin sa isip ko ang ginawa ni zach.

" May asawa ka marian "

Yan lang ang paulit ulit na sinasabi ko sa aking sarili .

______
A/N : Hellooo :) Thankyouu sa pagvote . Sobrang naappreciate ko yun kaya denidicate ko to sayong part na to .
Godbless .. ❤
Lovelots ~

Affair ( on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon