Marian's Pov ~
Masaya akong pauwi ngayon sa bahay . Hanggang ngayon hindi mawala ang kilig sa akin ng bigyan ako ni Zach ng isang kwintas. Halata dito na mamahalin talaga sya , tinanong ko pa si zach kung bakit nya ginagawa sakin ito . Pero ang sagot nya lang ay malalaman ko din balang araw .
" Oh . Hon , san ka galing " bungad saakin ni dylan pagpasok ko .
" A-ah .. pumunta a-ako kala sophia h-hon . " utal na utala na sagot ko . Ewan ko parang may mali na para bang hindi naniniwala sakin si dylan o dahil sa kinakabahan lang ako ..
" ah ganun ba , day off ba nya ngayon? "
" oo . Grabe kasi yung babaeng yun masyadong subsub sa trabaho eh . Bihira ang day off " sagot ko . Buti nalang maaga pa at makakapaghanda pa ako ng hapunan namin .
" Bakit parang maaga ang uwi mo ngayon hon? "
Nagulat nalang ako ng yakapin ako ni dylan at halikan sa pisngi .
" Namimiss kasi kita .. hmm, ang bango mo naman hon .. "
" Che. Alam ko yang mga style mo! Ano bang sasabihin mo ? " hinarap ko ang asawa ko at ipinulupot ko ang kamay ko sa batok nya .
" Hon , kasi yung bagong project namin ay sa cavite tatl---... " hindi ko na sya pinatapos dahil alam ko na . Aalis sya .
" Kailan alis mo? " masungit kong tanong.
" Hon naman , tatlong linggo lang yun . Tsaka wala tayong iisiping gastusin dahil sagot nila lahat at tataasan nila ang sweldo namin "
" Ok " tipid kong sagot .
Hindi naman sa ayaw ko . Iisipin ko palang na aalis sya parang hindi ko na alam ang gagawin ko . Kahit tatlong linggo lang naman sya dun .
" Sana isipin mong para sa atin tong ginagawa ko , paano na tayo kung hindi ko kukunin ang pagkakataon yun? Alam mo naman na dun lang tayo kumukuha ng kinabubuhay natin " biglang uminit ang ulo ko sa sinabi ni dylan . Anong gusto nyang iparating?
" bakit pinagbawalan ba kita? Hindi naman diba. Kung gusto mo ngayon pa lang umalis kana! "
" Ang kitid ng utak mo marian !! " padabog na hinampas ni dylan ang lamesa na kinagulat ko . Ganun ba talaga kahirap intindihin na ayoko syang umalis dahil mamimiss ko sya hindi ko kaya .
Pinilit ko , pero tuluyang kumawala ang mga luha ko . bakit ganun nalang sya bigla magreact? Umakyat ako sa kwarto namin naghalfbath lang ako .
Mayamaya ay narinig ko ang yabag ng mga paa at alam kong si dylan yun . Masama parin ang loob ko sa kanya . Tumagilid ako at nagkunyaring tulog ..
" Hindi na ako aalis , im sorry hon . i love you . " bulong sa tenga ko ni dylan at hinalikan ako sa pisngi . Hindi na ako nagsalita hanggang sa dalawin ako ng antok .
____
Vote && comment :)
![](https://img.wattpad.com/cover/52335240-288-k269913.jpg)
BINABASA MO ANG
Affair ( on-hold)
Genel KurguMakalipas ang isang taon ay muli kaming nagkita ng aking taksil na asawa . Ang babaeng minahal ko higit pa sa buhay ko ay ang babaeng hindi alam ang salitang kuntento ~ " Kung mahal ka nyan , hindi ka nyan BABALIKAN . kasi nung una palang hindi ka...