Dylan's Pov ~" Haha. Sige kita nalang tayo bukas ha. Take care " . Narining kong may kausap ang asawa ko sa cellphone hindi ko alam kung panaginip lang ba yun o hindi .
Nagising ako dahil sa sikat ng araw . Nakita kong mahimbing pang natutulog ang asawa ko , nakakapanibago dahil ito lagi ang nauunang magising saamin .
Pumasok muna ako sa banyo at naligo bago magluto ng almusal . Paglabas ko ng pinto ay naririnig kong nagriring ang cellphone ng asawa ko . Unknown number sya kaya sinagot ko .
" Hello ? "
" hello . Sino sila ? " wala kasing sumasagot kaya mejo nilakasan ko ang boses ko .
" H-hon ! Bakit mo hawak ang cellphone ko at sino tumatawag !! " Halos pasigaw ng asawa ko at biglang hinablot ang cellphone nya . Biglang naginit ang ulo ko .
" Bakit? Masama na bang hawakan ko ito ngayon ? "
" H-hindi naman s-sa ganun "
Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang sinabi sakin ni tristan .
" Pare , nakita ko asawa mo kahapon ah . May kasamang ... lalaki "
Hindi ko na narinig ang huli nyang sinabi dahil tinawag nadin kami para magsimula na sa trabaho .
" Oh baka naman may tinatago ka sakin marian ? Tumingin sa akin ang asawa ko at hindi ko alam kung anong meron sa mga mata nya . Lumabas ako ng kwarto at nagpahangin nalang sa labas ..
Ngayon ko lang nataasan ng boses ang asawa ko . Hindi dapat ako naniniwala kay tristan lalo na at ginawa syang pagtaksilan ng kanyang asawa . Magpapalamig lang ako saglit at hihingi ng tawad hindi ko dapat sinigawan ang asawa ko .
________
Marian's Pov ~
" Oh baka naman may tinatago ka sakin marian ? " hindi ko alam kung bakit hindi ako nakapagsalita ng itanong sakin ni dylan . Oo , mejo na konsensya ako dahil mas nakakagulat dahil ngayon lang ako nataasan ng boses ni dylan .
Pero siguro ay kasalanan ko din dahil bigla ko din syang nasigawan kanina dahil lang hawak nya ang cellphone ko . Naligo lang ako at bumaba sa sala ngunit hindi ko nakita ang aking asawa , napagdesisyonan ko nalang na magluto .
Nagluto ako ng adobong manok na paborito ng asawa ko .
Nagulat ako ng biglang may yumakap sa aking likuran .
" Sorry hon , hindi ko sinasadya " Bulong sakin ni dylan at hinalikan ako sa pisngi .
" Sorry din " Yun lang ang nasabi ko at hinalikan sya sa pisngi . Naguguilty kasi ako . Dapat kasi ako talaga ang may kasalanan ako ang hihingi ng sorry .
~~~~~
Vote and comment po mga Labidabs :D
BINABASA MO ANG
Affair ( on-hold)
قصص عامةMakalipas ang isang taon ay muli kaming nagkita ng aking taksil na asawa . Ang babaeng minahal ko higit pa sa buhay ko ay ang babaeng hindi alam ang salitang kuntento ~ " Kung mahal ka nyan , hindi ka nyan BABALIKAN . kasi nung una palang hindi ka...