Christopher's point of view
Nang nagkaroon ng commotion sa party agad na nagdecide si Kuya na tapusin na muna ang kasiyahan
everyone started to leave kaya nag offer na din ako na ako na ang maghahatid kay Nicole sa kanila.
"Im really sorry for what happened in the party" yan agad ang ibinungad ko kay Nicole ng makarating kami sa bahay nila
"Okay lang and besides walang may kasalanan ng nangyare" buti pa sya maintindihin, kaya nyang palabasin na parang walang nangyare.
Bumaba na si Nicole sa sasakyan, pero bago nya buksan ang gate ay bumaba agad ako at hinwakan sya upang maiharap sa akin
"Nicole . . ." What is happening? Bakit bigla akong naging ganito?
All of a sudden bigla ko siyang hinalikan then a slap came out of nowhere.
Pareho kaming nagulat sa nangyare, napahawak ako sa pisngi ko kung saan nya ko sinampal.
Para saan yun?!
Bigla naman syang pumasok na at sinaraduhan ang gate kaya wala na akong choice kundi ang sumakay sa sasakyan ko at idrive na ito pauwi.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
( A/N : play the music starting here)
Nicole's point of view
Ano bang nangyare sakin?! Bakit ko ginawa yun?!
Pagkatapos niya kong halikan ay sinampal ko lang naman sya, pareho kaming nagulat sa pangyayare, pero halata ko ang pagkakahawak nya sa kanyang pisngi na hudyat na masakit ang pagkakasampal ko
dahil sa kahihiyan ay agad akong pu asok at sinarhan ang gate.
Grabe! Nakakahiya talaga!
Narinig kong tumunog ang pagkakaistart nya sa sasakyan nya at pinaharurot na to.
Mga ilang minutong pagkaalis ni Christopher ay lumabas si Papa
"Sinong naghatid sayo?" Gising pa pala siya
"Ah wala po pa, school mate lang"
humalik ako sa pisngi nya at agad ng tumakbo papunta sa kwarto ko.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong umupo sa tokador na katapat ng higaan ko, at tumingin sa salamin
"Bakit nya kaya ginawa yun?"
Napahawak ako sa aking mga labi ng dahan-dahan at nagsumilang bumalik ang mga nangyare kanina.
Ano ka ba Nicole?! Walang meaning yun! Diba nga Martyr sya?! Hanggang ngayon si Chloe parin ang gusto nya?!
Napamulat ako ng mata pagkatapos kausapin ang sarili ko
"Hindi ka nya magugustuhan, wala siyang gusto sa isang mukhang rebeldeng kagaya mo"
agad na kong tumayo sa upuanat humiga nalang sa kama ko
"Sana kayang turuan ang puso kung paanong hindi masaktan"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Taylor's point of view
Bakit ba kasi umasa pa ko?! Bakit ba kasi naglakas pa ko ng loob na gawin ang lahat?! Kahit na alam kong imposibleng maalala pa nya ko.
BINABASA MO ANG
The Montemayor Brothers
RomanceThe Bind between brothers? Importante samin yan. Lalo na sakin dahil ako ang panganay sa magkakapatid. Our parents died already, pero paano kung nagkakagulo na kami dahil lang sa kilala kami? Can i still be the Kuya na inaasam nila? Magpapadala nala...