Part 47

2.6K 48 1
                                    

Nicholas' point of view

After Gwen left nakatingin lang ako kay Chloe kahit na pauli uli sya na kasama lang si Christopher "Mahal mo pa sya no?" Pagsulpot ni Lolo "Pero hindi ko alam ang gagawin ko Lo" totoo naman e, ayaw kong makasakit pero kahit anong disisyon ko alam kong may masasaktan "Why don't you just let go?" Napatingin lang ako kay Lolo. Let go? At bumalik ang tingin ko kay Chloe. But if i let her go then that means na wala na talaga, pero bakit hindi ko kaya? "Or itama mo kung ano ba talalaga ang sinasabi ng puso mo, na kahit may masaktan at least nasaktan sila dahil sa katotohanan" nasaktan sila dahil sa katotohanan kaysa sa kasinungalingan.

After the conversation with Lolo lumapit lang ako kay kay Christopher at Chloe "Chloe pwede ba ulit tayo mag-usap?" Pero tinarayan nya lang ako "Wala na tayong dapat pag-usapan Nic" at bigla na syang nagpaalam kay Christopher na aalis na, at pinayagan naman sya nito kaya hinabol ko ito sa papunta ng Parking area, nakasalubong namin sina Austin at Ashley pero hindi na kami nila pinansin dahil mabilis ang pangyayare.

Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya "Ano ba Chloe?!" Pero ikinagulat ko ang sinabi nya "Tama na Nic!" She's crying "Ano bang gusto mong aminin ko?! Na mahal kita? O ayan, oo! Mahal parin kita! Mahal na mahal parin kita! And i made a mistake by choosing Toph nung mga oras na yun! Dahil akala ko siya parin! Pero ang totoo ikaw! Oo ikaw parin! Ikaw parin!" It made me froze by just listening to her, pero hindi ako nagsalita, i just pull her and kiss her "Wala kang ibang gagawin kundi ang mahalin ako o mahalin ako" "Pero paano na si Gwen?" I just didn't say anything again, and just kiss her, to assure her that i can fix everything.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Rebecca's point of view

"Anak sigurado ka na ba sa disisyon mo?" I have to be strong, dahil kung hindi walang mangyayare sa buhay ko "Opo nay sigurado na po ako" pagsagot sa tanong nya habang inaayos ang mga papeles ko papuntand canada "Anak mag-iingat ka dun, alam mo kung gaano ka namin kamahal ng Tatay mo" at niyakap lang ako ni Nanay.

Pagdating ng kinabukasan inihatid na ko nina Nanay at Tatay sa airport "Anak mag-iingat ka dun, wag kang magpapalipas ng gutom, lagi mong aalagaan ang sarili mo" niyakap ako ni Tatay at hinalikan ang noo ko "Opo Tay, aalagaan nyo din po ang sarili nyo, promise po pagbalik ko maginhawa na ang buhay natin" tinawag na ang flight ko kaya nag-paalam na ko kina Nanay at Tatay at dumiretso na sa seat ko ng bigla kong buksan ang wallet ko, at nakita ko ang picture naming dalawa ni Philip "Dadating ang tamang panahon para sa atin Philip, at kung hindi man ay sana maging masaya tayong dalawa para sa isa't-isa" at lumipad na ang eroplanong sinasakyan ko

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Philip's point of view

Its time for the wedding pero pinauna kami ni Dad dahil yun ang plano, pagkadating namin ng simabaha. Ay agad naming nakita si Don Agustin "Kuya just relax" bulong sakin ni Nicholas "Im okay Nicholas, don't worry" lumapit kami kay Don Agustin para batiin ito "Congratulation for this event Don Agustin" nakipagkamay ako sa kaniya at nagpapicture, pero halata sa mukha ko ang pagkaseryoso, we were about to walk to the altar when Don Agustin called my name "Bring the contract tomorrow, i'll sign it to for the investment" ngumiti lang ako sa kaniya at lumakad na.

Pagkadating namin sa kinauupuan namin ay agad kaming umupo "Nakakabarino talaga! Sya pa ang mayabang! Kung makaasta sya akala mo wala syang ginawa sa pamilya natin!" Bulong ni Taylor pero sinaway ko lang sya "Just stick to the plan, magbabayad sila sa ginawa nila"

Ilang minuto ang nakalipas ay nagsimula na ang ceremony, hanggat sa pumasok na si Shaira at maglakad papunta sa altar kasama ang Lolo nya, ibinigay ng Lolo nya ang kamay ni Shaira kay Mr. Enrile at lumakad na sila papunta sa altar, at yun ang hudyat ko. Lumakad ako papunta sa red carpet at pinigil ang kasal "Isang kalokohan ang kasal na ito!" Lahat ng tao na nasa simbahan ay nagtinginan sakin "Philip! Anong ginagawa mo?!" Pagalit na pagtatanong sakin ni Don Agustin, ng biglang sumulpot si Dad sa likod ko "Oras na para magbayad kayo sa mga kasalanan nyo Don Agustin, at Jerome!" Lumapit ang mga pulis sa kanila at pinakitaan ng warrant of arrest "Anong ibig sabihin nito Juancho?!" "Mabulok ka sa kulungan sa panlolokong ginawa mo! At sa pagnanakaw nyo sa kumpaniya ko!" At dinala na sila ng pulis sa prisinto

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Shaira's point of view

"Bakit Lolo? Why do you have to do those things?" Pagmamakaawa ko na aminin nya sakin lahat, pero wala akong sagot na natanggap sa kaniya "Sana inamin nyo nalang sakin Lolo kaysa itago nyo sakin ng ganito, hindi ko na alam ang paniniwalaan ko, gulong gulo na ko" at agad akong lumabas para mailabas ng hinanain na nararamdaman ko

Ilang minuto ang lumipas ng mapakalma ko ang sarili ko ay agad naman akong pumunta kung nasaan si Jerome, pero bago ako pumasok ay nakita na bukas ang pintuan kung saan sya tinatanong at narinig ko ang boses nya at ni Taylor "Anong kapalit para tulungan mo si Don Agustin?! Anong kapalit para patayin nyo ang Nanay ko?!" "bakit sakin mo tinatanong bat hindi mo itanong dun sa matanda? At kailangan nyo pang guluhin ang wedding ko" ako . . . Ako ang naging reward "Si Angela ba?" Nagulat nalang ako sa narinig ko pagkatapos ni Taylor sabihin ang pangalan ko "Sa tingin mo, sino pa ba?" At agad itong kwinelyuhan ni Taylor "Papatayin kita! Papatayin kita!" Kaya agad akong nagpapasok ng pulis para pigilan sila

Inilabas muna nila si Taylor para mawala ang gulo, kaya nagpaalan naman ako for me to talk to Jerome "Totoo ba?" Nakita ko na taranta na sya para sa sarili nya "Walang katotohanan ang mga sinasabi nila, wag kang maniwala sa kanila Shaira!" Pero tumulo nalang ang mga luha sa mata ko "How can you do this Jerome? Bakit?" Pero tinatanggi parin nya na may kinalaman sila "Pumayag ka na gawin akong pabuya ni Lolo?! Makasarili ka Jerome!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko, lumabas na ko at agad na tumakbo papunta sa labas ng pulis station

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Taylor's point of view

Hinabol ko si Angela ng makita ko siyang makalabas galing sa loob ng silid kung nasaan si Jerome "Angela" pero nagalit lang sya sakin "Stop calling me Angela dahil hindi ako yun!" How many times do i have to tell her na sya yun? how many times do i have to tell her na ako ang minahal nya "Angela hanggang ngayon wala akong hinangad kundi ang mahanap ka at makasama ka" pero tumingin lang sya sakin "Taylor naririnig mo ba ang sarili mo?!"

Seryoso syang nakatingin sakin pagkatapos nyang sabihin sakin kung seryoso ba ako "Lolo ko ang pumatay sa Mom mo, and now ako parin ang nasa isip mo?!" Because i can't lose her again, i really can't "Because i made a mistake giving up while looking for you! Na ang akala ko wala ka na, pero you're here, nandito ka parin, at hindi ka nawala!" Lumapit lang ako sa kaniya at niyakap sya "Alam kong nahihirapan ka sa mga nangyayare, but im here, i can take care of you" bulong ko sa kaniya, at saka ko siya iniharap sakin and kiss her "Because i can't lose again, I love you, at kahit ilang taon ka pang mawala, hindi ako titigil na hindi ka mahanap at makasama" and made me shock because she kiss me back

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: lets go to canada na sa next chapter

The Montemayor BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon