Bang

16.8K 446 3
                                    

Dumiretso siya agad sa reception ng hotel pagkababa niya ng kotse. She was walking like the very devil is behind her.

"Good afternoon Miss Crest! Your room is already available at tenth floor like what you've requested." Nakangiting imporma sa kanya ng receptionist.

Tumango siya. "The key?"

"Here it is, Miss Crest."

Kinuha niya ang key card mula dito. Pagpihit niya ay isang nakataas ang kilay na Aiden Montaniez ang sumalubong sa kanya.

"What are you still doing here?" Mataray na tanong niya dito.

Hindi siya nito sinagot, bagkus ay dumaan lang ito sa may gilid niya saka nilapitan ang nakangiting receptionist ng hotel niya.

"Reservation for Mr. Aiden Montaniez?"

Napasinghap siya. What the hell? He is not staying in my hotel, is he?

And as if to answer her thoughts...

"May I have your ID sir?" Ngiting-ngiti ang receptionist habang kinukuha ang ID nito. Pagkatapos titigan ang monitor ng computer ay ibinalik na nito ang ID. "Room 1006 sir."

Bagsak ang pangang nakatitig lang siya sa likod nito. He is bloody staying! And not only that... he is staying beside her hotel room!

"Thanks." He smiled at the receptionist so sweetly.

She pursed her lips while frowning. What a manwhore.. she mouthed.

Mabilis na itinikom niya ang bibig ng humarap ito sa kanya.

"Let's go?" Wika nito na parang wala lang.

Sinalubong sila ng bellman ng hotel.

"Good afternoon maam. Ako na po ang magdadala ng mga gamit nyo sa kwarto ninyo."

Tumango siya saka ibinigay dito ang luggage niya. Ng umalis ang bellman ay lumingon ulit siya kay Aiden na nakaabang na sa pagbaba ng elevator.

Mabilis na humakbang siya palapit dito. "Bakit nag-check in ka dito?"

Tinaasan siya nito ng kilay, "Why not?"

Ikinuyom niya ang mga kamay sa sobrang inis, "Why? Because it is so damned obvious that you are meant to go home after driving me here. See? Wala ka ngang damit eh." Tinitigan niya ang kabuuan nito.

"Is that your only problem?" Tanong nito.

She bit her lip, "No."

"Then ano pa ang problema mo?"

"I don't want you here." Walang prenong sagot niya.

They just stared at each other. None of them dared to break the eye contact. Nervousness started to creep in her while him, something dark is starting to creep in his eyes.

Why is his eyes so damn expressive?

Naputol ang titigan contest nila ng dumating na ang isang grupo ng mga guests. Lahat sila ay puro kabataan at puro foreigner.

Kasabay din niyon ay ang pag-'ting!' ng elevator.

Balak niya sanang sa susunod na ride na lang siya sumakay pero pa-atras niya, isang kamay na ang humila sa kanya papasok.

Napasinghap siya ng mapasandal sa likurang bahagi ng elevator. Sunod-sunod na nagsipasukan ang grupo ng mga guest hanggang sa naging siksikan na. Isang binata ang tumabi sa kanya sa may bandang likuran. Napa-irap siya ng isiksik nito ang katawan sa kanya. Ano bang meron sa mga kabataan ngayon? Ang babastos!

Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon