The nasties

12.8K 299 3
                                    

"Mom...?"

"Pack some of your things. You're coming here. Now."

That was what awakened me early in the morning. I haven't had any sleep last night sa kakaisip.

"Dominica, are you listening?"

I had thoughts of Aiden and 'that' woman which made me unable to sleep peacefully. Right now I'm thinking again of ways on how to approach this problem..

"Dominica?"

God... how would I--

"Dominica Crest!"

Sigaw ni mommy sa kabilang linya na nagpapitlag sa inaantok ko pang diwa.

"Pack your bags and haul your ass here! Kapag hindi ka namin nakita ng dad mo after lunch, better prepare yourself young lady!"

Iyon lang at busy tone na ang sunod kong narinig. Inilayo ko ang phone sa aking tenga at saka tinitigan iyon na para bang anumang oras ay lalabas doon si mommy at itutuloy ang pagsermon sa akin.

Napatingin ako sa bed side clock ko at napasinghap.

Alas otso na!!!!

I need to pack. Fast!

Mabilis akong bumangon para mag-empake. Isang luggage lang ang dala ko dahil hindi ko naman ineexpect na magtatagal ako doon ng higit isang linggo. My usual stay there is up to two to three days lang.

I took a bath for about twenty minutes and donned my high waist blue jeans and white crop top paired with a cream colored cardigan. Black flat shoes naman sa aking mga paa.

I was on my way to my car when my phone rings. 

"Hello?"

"Hello, bru! Danielle told me what happened. I'm really sorry I wasn't there yesterday! Pero paalis na ako ng bahay ngayon papunta diyan. Okay ka lang ba?" 

"I'm fine.. medyo okay na ako pagkatapos naming mag-usap ni Dani kahapon. Don't worry kaya wag ka nang pumunta dito sa bahayngayon dahil paalis na din naman ako. Mom called, she wants me at the ranch today--- after lunch to be exact." I grunted.

"Oh, eh how about you talking to Aiden kung pupunta ka doon?"

I sighed. "I guess after ko na lang bumalik mula sa rancho. Mom is really adamant about this. Gusto niya talaga akong pumunta ngayon doon."

"Oh.. okay then. Basta sabihan mo ako once na nakabalik ka na ha? And be safe okay?"

"Okay mother hen. I will." Tumawa lang ito sa kabilang linya sa tinuran ko bago nito pinatay ang phone.

It was past one at mag-aalas dos na ng marating ko ang intersection na naghihiwalay sa  rancho ng mga Crest at rancho ng mga Montaniez. 

Yes. Magkatabi lang ang rancho ng dalawang pamilya. The left intersection goes to Montaniez Ranch while the right points to the Crest Ranch.

I remember growing up here and studying here until High School. Both Aiden and I. Our parents always enrolls us in the same school kahit gaano pa ang pagtanggi naming dalawa ni Aiden noon. It was always like that kahit nung mag-college na kami. Suffice it to say, we both graduated in the same schools from elementary to college. 

It was because the two Ranch are such a good neighbors and shares a very close friendship that the two family paired Aiden and I in marriage. 

Kung titignan naman kasi, maituturing na kilala na namin ni Aiden ang isa't-isa since noong mga bata pa lang kami. I grew up attending his birthdays as he did mine. The only downfall in that is we never really gotten close. Kilala namin ang isa't-isa simulat sapul pero hanggang doon lang iyon. Kailanman hindi kami naging close noon. We were never friends. I hated him for always bullying me and he hated me since..

Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon