Not over you

11.6K 298 2
                                    


"What's the progress?"

"I already have the file."

"Good. I'll meet you at your old place."

"Roger."

-

"May pupuntahan ka?"

Nilingon niya si Geleene na nag-aayos ng grocery sa may kitchen.

"Hm yeah. Just a meeting with my old friend." Sabi niya habang nagsusuot ng running shoes. Napansin niyang natigilan ito.

"A... girl?"

Tumayo siya saka humarap dito. Tumaas ang kilay niya.

"I... I'm just asking. Sorry i-if I..

"No, it's nothing. I'll be back before dinner." Akmang tatalikod na siya ng magsalita itong muli.

"This business trip is about to end..."

Nasa boses nito ang pagaalinlangan. Napabuntong-hininga siya saka muli itong hinarap.

"We'll talk once I get back."

"O-okay..."

Paglabas ng condo, agad siyang napasandal sa pinto. Marahas siyang napabuntong-hininga saka isinuklay ang mga daliri sa buhok. 

"Dammit..."

Napapikit siya ng maalala ang mga sinabi ni Mason sa kanya mula nung malaman nito na nasa condo niya si Geleene.

"W-wait.. nagkakamali lang ba ako or did I just heard your ex's voice in your room?"

"I'll explain that--"

"Fuck.. Its already worst enough that she knows you're with her in this trip.. pag nalaman niyang magkasama kayo sa iisang bubong..." Hindi nito naituloy ang sasabihin. Kahit siya ay hindi alam kung papaano ipapaliwanag. "Shit... are you digging your own grave? What the fucking hell were you thinking?!" Mason Hissed.

"Someone ransacked her apartment, Mason. She was crying she didn't know what to do. And you know I can't just stand back and do nothing!" Frustrated na ring sabi niya.

"And you believed her? Just like that? Oh, scratched that. Of course you did."

"At ano ang ibig mong sabihin diyan? Geleene wouldn't cry like that kung hindi iyon nangyari." Paliwanag niya. Marahas namang napabuntong-hininga si Mason.

"A woman could do anything she had never done before just to be with the man they love. Better remember that Aiden."

Natigilan siya sa sinabi nito. 

"Seven years could change a person, man. Masyadong complex ang ugali ng isang tao. It changes. Alam kong alam mo iyan."

 But it's Geleene, I know her..

"Besides, you wouldn't put her in your list of suspects if you never had a doubt, would you? Think about it man.."

Napapikit siyang muli bago tumuwid ng tayo. He need to figure out everything. He need to.. and fast.

-

Naiwang mag-isa si Geleene. She slumped in the kitchen chair. Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha.

Yeah. They are together for more than a week now.. magtwo-two weeks na nga. In the same place.. in the same hotel room.. 

But not as a couple..

Napayukyok siya sa mesa ng maalala ang mga nangyari bago sila humantong sa ganito.

"I have an urgent business meeting with an important investor."

"When wi--"

"Tomorrow. In New York."

Nagulat siya dahil biglaan ang pag-alis nito. 

"How.. how long are you going to be there?"

She cleared her throat. Alam niyang parte naman talaga ng pagiging sekretarya ang alamin kung hanggang kailan mawawala ang boss mo pero sa parte niya... malayong-malayo sa pagiging sekretarya ang katanungang iyon.

It was personal. 

"A week." Sagot ni Aiden saka tumalikod.

She bit her lip. He was all professional when talking to her. Since naging sekretarya siya nito, she'd been trying to bring back the old  Aiden. 

Ang Aiden na laging naka-alalay sa kanya.. ang Aiden na mahal na mahal siya..

Noong inalok siya nitong maging sekretarya nito.. Nabuhayan siya ng loob. Akala niya magiging ganoon kadaling ibalik ang lahat dahil may paki-alam pa rin ito sa kanya. 

She thought wrong..

Oo. May paki-alam pa rin ito. Pero ang sakit dahil ramdam niyang bilang isang kaibigan na lang. 

An important friend as what he'd called her the first time they met after how many years..

At lalong masakit makitang nahuhulog na ito sa iba.

Ang lalaking halos i-alay sa iyo ang lahat ng meron siya noon?

Ang lalaking nangako sa kanya ng maraming bagay..

Ang lalaking mamahalin siya ng buong-puso..

It hurts to see him slowly slip away..

"Oh, and one more thing. You're coming with me."

Nagliwanang ang mukha niya. 

Maybe.. with them being away from here. Away from everything.. maybe they'll be able to finally find a chance for them..

"Okay, I'll make the necessary arrangements."

Pagdating nila ng New York. He offered to get a hotel room for her to stay. But she declined. She lived here in New York after they broke up. May apartment naman siya dito kaya sinabi niyang doon na lang siya tutuloy.

Wala naman itong nagawa kaya pumayag na rin ito sa sinabi niya.

Mariin siyang napapikit ng maalala ang ang isa na namang katangahang ginawa niya para mapunta sa sitwasyong ito..  

You're a fool, Geleene.. Tingin mo magiging ganoon kadali ang lahat? Na pagkatapos mo siyang iwan ng ilang taon, pagbalik mo nandiyan pa rin siya naghihintay sa iyo?

You're stupid if you think that'll happen..

You left him without hearing any of his explanations. You just assumed.. 

And now, you want him back?

Dream on..

Hindi na siya babalik sa iyo..

Marahas siyang tumayo at naibato niya ang nahagip na baso sa may dingding.

Napaupo siya sa tiled floor. Yakap yakap ang dalawang tuhod habang humahagulgol. HIndi mapigilan ang pagbuhos ng luha. 

"Ayoko... hindi pwede... Hindi siya pwedeng mawala sa akin... Akin lang siya... akin lang.."

Kasalanan ng babaeng iyon ang lahat.. It's all her fault.. sinira niya ang lahat... Kung hindi siya sumingit at gumawa ng eksena noon.. sila pa din sana ni Aiden ngayon. 

"Kasalanan niya lahat.. siya ang dapat na sisihin at hindi ako.."

She ruined everything!




-





Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon