MINE

13.9K 348 9
                                    

Sa isang salon namin naisipan ni jacky na mag-bonding. Actually, pupungas pungas pa ako kanina ng dumating ito sa condo ko. Paglabas ko nga ng kwarto ay agad kong naabutan ito na nakaupo sa sofa at kausap si Cece. Nagtatawanan pa ang mga ito habang nagkwekwentuhan.

And guess what kung about kanino?

"Really? Aiden has that kind of tattoo? Gosh! How hot is that!"

I rolled my eyes. There goes the Super Crazy for Aiden friend she knew back in college. Ang personality nito na pinipilit kong ibinabaon sa limot at hukay pero pilit pa ring ibinabalik at binubuhay ni Jacky! Argh! Seriously?

"Yeah, as much as I hate to admit it, his tattoo is pretty cool."

"Tell me more.." Jacky said dreamily.

I rolled my eyes. "How about you shut up?" Hindi ko napigilang sumingit sa usapan nila.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Jacky, "Oh... someone sounds bitter." Tukso nito. "Tell you what honey, ang pagiging bitter, nilalasahan iyan.. hindi pinapakinggan." Humalakhak ito. "Kung magiging ganyan ka lang pala ka-bitter eh di makipagbalikan ka na lang kay papa Aiden!"

"We didn't broke up Jacky.. kaya hindi ko kailangang makipagbalikan. We just gave each other time and space.."

"You mean split kung ganon? Asus! Ang tanda tanda niyo na, daig niyo pang teenager kung makapag-rason! Time and space.. ano kayo, nasa galaxy? Hindi ninyo pag-aaari ang mga iyon kaya hindi ninyo iyon maibibigay sa mga sarili ninyo uy! Gusto mo ng mas realistic? Mag-usap kayo.. Hindi niyo na kailangan ng time and space para mag-kalinawan at makapag-ayos kung mag-uusap lang kayo."

Napabungisngis si Cece.

I sighed.

"Alam mo, minsan naiisip ko kung si Aiden ba talaga ang binibigyan mo ng time and space eh.."

"W-what do you mean?"

"I think you're the one who's giving yourself time and space.. not him."

Bulls eye!

But I'd be damned if I'll let my friend here know..

"And for the record, a man wouldn't be that persistent to follow you whenever you are just to talk to you if that man doesn't have feelings for you. Hindi ka naman siguro bulag or bingi bru para hindi malaman na halos araw araw ng pinepeste ni Aiden ang line mo?" Ang nakangising sabi ni Jacky.

Hindi siya sumagot. Hanggang dito sa salon nga ay hindi pa rin niya ito sinasagot. And thank God she and Cece kept their mouth shut when they arrived here.

Kasalukuyan akong nagpapa-nail polish when Jacky nudged me. Napansin din ni Cece iyon kaya umangat ang tingin nito mula sa hawak na cellphone. Kuno't noong nilingon nito ang entrance kung saan nakapako ang tingin ko.

"Oh boy.. this is trouble.." Dinig kong bulong nito.

Mula sa entrance ay tuloy tuloy na pumasok si Geleene at umupo sa isang silya na di kalayuan mula sa kanila. She's wearing a yellow summer dress that complemented her tanned skin. Halatang nagbabad ito sa araw kasi last time I checked, fair pa naman ang skin nito bago sila umalis ni Aiden papuntang New York.

Tanned.. so nag beach silang dalawa ganon? She and Aiden at the beach.. Geleene is wearing a skimpy two piece while Aiden in his board shorts.. masaya ang mga ito at bakas sa mga mukha ang enjoyment habang nagtatampisaw sa tubig dagat..

Parang libo libong karayom ang tumusok sa buong pagkatao ko ng maisip iyon.. shit! Nasa ibang bansa sila at nag e-enjoy samantalang siya.. nandito at muntik ng mamatay mula sa kamay ng lalaking iyon not to mention halos mabaliw baliw na din siya sa kakaisip at pag-aalala sa kung ano ng nangyayari kay Aiden tapos heto? Heto ang malalaman niya?!

Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon