5

60 11 0
                                    


"Ang dami nila! San ako dadaan? "
Napapakamot ulo nalang ako dito sa gate ng school. Di pa ako pumapasok kasi yung mga babaeng humabol sakin kahapon nandon na naman sa tambayan nila.

Di pa ata dumating ang mga hinihintay nila. Pag nagkataon na dumating sila tsaka ako papasok.
At yun may dumating na nga. Si Vince daw. Agad agad akong tumakbo papuntang room.

Hay salamat. Nandito na din.

At pumasok na ako.

Salamat wala pa sila Scarlet.

Lumapit sakin yung isang kong kaklase pagka upo ko sa upuan.

"Janelle are you okay? " Sabi niya.
"Ahh.. Ken! Oo. Okay lang"

Weird. Kinausap niya ako.

"I guess. Kahapon kasi pinagtulungan ka nila Scarlet. Buti naman okay ka lang. " Then he smiled at me.

"Thanks" sabi ko

Nu kaya naisip nun at kinausap ako?

"Janelle"

Narinig kong nagsalita sa likod ko.

"Masarap ba ang tulog mo kagabi? " hinarap ko yung nagsalita. Si Scarlet.

Di ko nalang pinansin at kinalkal ko nalang yung mga gamit ko sa bag.

"Alam mo bang kinakausap kita? "tapos kinuha ni Erika yung bag ko.

"Akin na nga yan!" sabi ko sabay tayo.

"You want this? Here" Tapos tinapon ni Erika yung mga gamit ko at nag kalat sa sahig.

Nakakainis na kayo ah.

"Hindi na nakakatuwa yang ginagawa nyo ah"

"Bakit? Sino bang natatawa? Mukang bang may tumatawa? " sabi naman ni Risa na pataas taas pa ng kilay. Umupo ako.

"Alam nyo tigilan nyo na ako wala kayong mapapala sakin" sabi ko habang unti unti kong pinupulot yung gamit ko.

"Isang lang naman ang gusto namin Janelle" Sabi ni Scarlet tapos inapakan yung notebook na pupulutin ko. "Ipangako mo lang samin na lalayo ka kay Ethan at ititigil mo yang kalandian mo. Sa lahat ng oras dun ka pa nagpapansin. Sabi ko na nga ba eh. Kunwari ka pang tahimik pero ang kulo mo nasa loob."

"Binabalaan ka namin. Samin lang si Ethan at hindi ka pwedeng tumingin sa kanya ng walang pahintulot namin. Basura ka lang! "

Mag timpi ka na lang Janelle. Hayaan mo na sila.

"Linisin mo na yang kalat mo. Grabe gamit ba yan? Sabagay yan lang ang kayang bilhin ng magulang mo, mga pulubi. Parehas kayong basura"

Tumayo ako.

Sumusobra ka na Scarlet. Nagkamali ka sa sinabi mo. Magsisisi kang dinamay mo ang magulang ko dito.

"Pwede ba Scarlet. Tigilan nyo ko. Di ako tulad nyo na inuubos ang oras sa walang kwentang bagay. Wala kayong karapatan na pangunahan ako. Di ako natatakot sa inyo. Kung gusto nyo si Ethan sa inyo na siya. Pero di ako makapapayag na hamakin mo ang mga magulang ko. Spoiled brat. Hindi ako papatalo sa inyo. "

"Hinahamon mo ko? Tignan lang natin kung makatagal ka samin. Ikaw ang humiling nyan. Pagsisisihan mo" tapos umupo na siya sa upuan niya.

Timping timpi na talaga ako. Gusto ko ng sampalin ang bibig ng spoiled brat na to. Huh. Grabe ang yabang, samantalang kapit lang naman siya sa buntot ng magulang niya.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon