24

44 5 1
                                    


Peep peep peeeeppp

"Tabi! "

Peep peeeepp

Kabig sa kaliwa, kabig sa kanan. Malagpasan lang lahat ng mga mababagal na sasakyan na ito.

The subscriber cannot be reached. Please try again later.

"Kainis! "

Inalis ko ang earphone sa tenga ko. At bumusina ulit.

Kaylangan kong maabutan si Janelle. Bakit ka ba kasi aalis Janelle?

Maya maya natanaw ng mga mata ko ang bus station. Ipinarada ko muna ang koste ko sa tabi ng kalsada. Lumabas ako at inilibot ang mga mata sa paligid para hanapin siya. Sumilip din ako mula sa labas para tignan kung nasa loob na ba ng isa sa mga bus na to si Janelle.

"Nasan ka na ba?"

Nahagip ng paningin ko ang isang bus na papaalis na. Di ko pa yun natitignan. Rumehistro saakin ang anyo ni Janelle mula sa loob ng bus na yon. Di nya ako nakita.

Lakad takbo ako para lapitan ang bus kaso unti unti ng bumibilis ang pagtakbo nito.

"Sandali! Sandali lang! "

Tumakbo ako para habulin ito ngunit nakalayo na ito.

Bumalik ako sa kotse at ipinaandar ito.

Luminga linga ako sa mga bus na na nalalagpasan ko. Tinitignan ang kanang bahagi nun kung saan nakapwesto sa harap ng kanang bahagi ng bus si Janelle.

Nung makita ko na kung nasan sya.

Binuksan ko ang kaliwang bintana ng kotse.

"Janelle! Stop the bus! Janelle! "

Hindi nya ako napapansin. Nakatingin siya sa flatscreen Tv ng bus.

"Janelle! Stop! " sigaw ko mula sa loob ng kotse.

----

Janelle's POV

Anong palabas kaya yan? Mukhang maganda ang palabas na yan ah!

Tinanong ng babae sa lalaki kung pag umalis ba siya hahabulin ba sya nito.

Tapos sagot ng lalaki, oo kasi mahal kita.

Ahihi.

Medyo korny kung pakikinggan mula sakin pero pagnapanood mo naman, ang ganda at damang dama mo ang effect nito.

Pag ako kaya ang umalis, susundan kaya ako ni Ethan? Hahabulin nya kaya ako? Kung gagawin niya nga, bakit? Dahil gusto nya lang? Anong rason? Wala lang naman ako para sa kanya. Malabong mangyayari yun. Malabo talaga.

"Ma! Ma! " malakas na sabi ng bata mula sa likod ko.

"Ano? Umupo ka lang at baka mahulog ka! " narinig kong sagot ng mama nya sa kanya. Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa palabas.

"Ma tignan mo. May lalaki na sumisigaw sa labas! "

"Ano? "

Nagbulungan ang mga nasa bus.

Napatingin ako sa labas.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino yung tinutukoy nya, si Ethan.

Anong ginagawa nya?

Nagkatitigan kami. Masama ang pagkakatitig nya sakin. Tapos nagsasalita sya. Pero di ko naman naririnig at naiintindihan.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon