13

49 8 0
                                    

Megan's POV

Ilang araw ko nang di makausap si Ethan. Hawak ni mommy ang cellphone ko every shoot namin. Kahit sa bahay pinagbabawalan niya akong mag internet kahit tumawag sa telephone. Nakakasakal. Ayaw niyang makausap ko si Ethan. She really want to ruin my life.

Buti nalang may pasok ako ngayon. May chance akong makita si Ethan dito sa school. May chance akong makausap siya. May chance akong makapag paliwanag sa kanya. Sana makita ko siya. Please!

"Meg are you okay? Kanina ka pa balisa! " sabi ng isang kaklase ko.
"Ya. I'm alright! Just tired. Dami kong shoot nung nakaraan" sabi ko tapos binigyan sila ng tipid na ngiti.

"Ganun ba! Sobra ka kasing makapagfocus sa work. Try mo mag relax" sabi naman nung isa ko pang kaklase.

"Sa tingin ko nga" sabi ko.

But no. Kaylangan ko magfocus sa work. Alam ko yun.

Tapos may dumating kaming mga kaklase na nag uusap.

"Talaga? Sila na! Grabe. "

"And that girl I'm talking about is Janelle Reyes. The commoner. Do you know her? "

"Ahh I know"

"Grabe naging sila. Pano nya nagawa yun? Pano kaya naging sila?"

"Di kaya ginayuma niya? "

"Sayang kung ako nalang sana. Kainis siya! "

Si Janelle? Ano kaya yung sinasabi nila?

Tapos dumating na ang teacher namin.

Lunch time.

"Lets go Meg. Sabay sabay na tayong kumain sa cafeteria." yaya ng kaklase kong si Leah.

"Sige tara"

Nung malapit na kami sa cafeteria. May mga naririnig ako sa mga nakakasalubong namin.

"Grabe nakakainggit. "

"Sana ako nalang siya. "

"Ang sweet nilang dalawa. "

"Oo nga"

Ano na ba ang nangyayari? Ano ba ang tinutukoy nila?

Pagpasok namin sa cafeteria. Una kong nakita sa Janelle. May sinusubuan siyang lalaki. At sweet na sweet sila. Nakatalikod sa akin ang lalaking sinusubuan niya kaya hindi ko ito makilala kung sino ba talaga siya.

Pero parang may kahawig ang likod niya. Isang taong ayaw kong sabihin na mukhang siya nga.

Lalo kong hinahangad na makita kung sino man ang lalaking kasama ni Janelle. Lalo lang bumibigat ang dibdib ko.

Sana di ka yung iniisip ko. Please. Wag mo kong biguin.

"Meg tara na! " sabi ni Leah. Tumango lang ako.

Unti unti akong naglakad. Hindi ko padin tinatanggal ang paningin ko sa kanilang dalawa.

Nang mabulunan si Janelle nakita ko kung sino nga ba siya.

"Ethan! " bulong ko. Parang biglang may kumurot sa dibdib ko. Ang sakit. Di ako makapaniwala.

Ito ba yun? Ang sinasabi nila. Kayo na ba? Pinagpalit mo na ba ako? Di mo na ba ako mahal? Gusto mo ba siya? Dahil ba to sa nangyari sa party? Galit ka ba sakin? Ginagantihan mo ba ako?

"Meg are you alright? " sabi ni Leah.

I need to talk to him. I have too. Kaylangan kong malaman bakit niya ito ginagawa!

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon