11

55 10 0
                                    

Janelle's POV

"Ayos ka na ba? " tumango lang ako habang pinupunasan ng panyo ang buhok ko.

Nakaupo kami dito sa upuan sa rooftop. Nagcutting na ko kasi parang di ko kayang pumunta sa klase ngayon. After exam cutting agad?

Medyo maga na kasi yung mata ko.

Sa totoo lang. Ngayon lang talaga ako umiyak ng ganto. Lagi naman kinakayanan ko eh pero parang naghalohalo na yung emosyon kaya bumigay na.

Napatingin ako kay Vince. Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang gitara. Tapos tinotono niya ito.

"Kantahan kita. Okay lang? " sabi niya tapos tumango ulit ako.

Inumpisahan na patugtugin ang gitara niya.

* What would I do without your smart mouth* Drawing me in, and you kicking me out* You got my head spining, no kiding, I can't pin you down*

Ang ganda ng boses nya. Pinikit ko ang mga mata ko. Parang ang ginhawa sa pakiramdam.

*What's going on in that beautiful mind* I'm on your magical mystery ride*And I'm so dizzy, don't know what hit me but I'll be alright*

Binuksan ko ulit ang mga mata ko at tinignan siya sa tabi ko sa kanan.

Busy busy siya sa pagstrung. Ang galing niyang maggitara. Nakakainggit ang mga taong marunong maggitara. Ako kahit gusto ko di ko kaya. Di ako gusto ng music!

*My head's underwater but I'm breathing fine* You're crazy and I'm out of my mind*

Bigla siyang tumingin sa left side nya eh sakto pa naman nakakitingin ako sa kanya kaya ang nangyari, nagkalapitan kami ng mukha. (0_0)..... (0/////0)

As in malapit. Nakita ko namula siya tapos bigla siyang sininok. Tapos tinakpan niya yung bibig nya at inilihis ang tingin sakin.

"Ahahahaha anong nangyari sayo? "

Sinisinok padin siya kaya tinapik tapik ko nalang.

"Hoy! Okay ka lang ba? " sabi ko habang tawa padin ng tawa.

"Napatawa din kita! " tumingin siya sakin tapos ngumiti na parang nahihiya.

"Salamat! " sabi ko tapos namula na naman siya at sininok. "Hoy! "

------

Ilang araw na ang nakalipas pero di pa din pumapasok si Ethan. Pero pag pumupunta naman ako sa kanila bilang maid mukhang okay lang naman siya. Yun, nagpapaka busy busyhan sa laptop niya at sa mga folder niya.
Di ko tuloy malaman kung ano ba nangyari sa kanila ni Megan. 18 na sya tapos ang alam ko kakabirthday palang ni Ethan, 17.

Isang taon ang pagitan ni Megan sa kanya! Parang nakakailang na ang babae ang mas matanda sa lalaki? Pero age does'nt matter no! Hindi naman sila magkaklase pero pano kaya sila nagkakilala?

Hay naku. Hayaan mo na nga. Wala ka namang pake! Wag mo na ngang isipin yan!

Tapos naghalumbaba ako.

Ito namang si Vince. Ilang araw na akong kinukulit, sabay daw kami kumain kaya lagi na akong kumakain sa rooftop kasama siya. Pero okay naman pala siyang kasama. First impression ko sa kanya isa syang play boy. Yung tipong mahilig sa girls. Yung feeling pogi at mayabang. Pero di pala. Mabait siya. Makulit. Kwela. Tapos magalang. At higit sa lahat, ayaw niya sa mga bully.

Siguro may history siya ng pagbubully kaya talagang ayaw niya sa mga ganun! Pero pag tinignan mo naman siya mukha siyang matapang at malakas kaya di siya kayang mabully. Baka lang ayaw niya lang talaga. Kaya di ko nga sinabi sa kanya na si Scarlet nambully sakin eh.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon