2

122 14 2
                                    

"Okay. Biliiiisssss....! "

Pagkababa ko ng jeep. Kumaripas na ko sa takbo.

"Malalate na ko. Nu ba yan? Umaambon pa! Monday na monday umuulan"

Pero sa totoo lang. Mas mabuti ng ambon nalang ngayon kasi kanina ang lakas ng ulan. Ang nakakainis lang nakalimutan kong magdala ng payong.

Bllliisssssss....

"Haaaaay naku naman ohhhh! " galit na sigaw ko.

Panu ba naman. Yung nagmamadali ka na nga na halos takbo-lakad na yung ginagawa mo kahit na medyo delikado kasi basa ang kalsada at halos unti na lang nandun ka na sa school eh bigla na lang may dadaang kotse sa tabi mo tapos matatalsikan ka ng tubig ulan na naipon sa kalsada. Di ba nakakainis?

Tinignan ko yung uniform ko.

"Haaayyy.. Ano ba yan? Ang dumi ko na tuloy. "

Di naman sobra pero nabasa yung laylayan ng palda ko. Pati narin yung kaliwang sapatos ko.

Kumaripas na ulit ako na tumakbo papasok ng school.

Parang masama ang kutob ko ngayong buong week na to ah.

Nung nakarating na ako dun sa may masisilungan tumabi muna ako sa gilid at pinunasan ko na muna ang sarili ko. Medyo basa na ako eh. Hindi pa pala ako late. Madami pa oras. Tapos sinilip ko yung mga gamit ko sa bag.

Buti nalang di nabasa yung mga gamit ko sa bag. Salamat. Kasi yung isa sa nakalagay dun ay project ko kaya mas okay pa na mabasa ako kaysa sa gamit ko.

"Ahhhhhhhhhh" tilian ng mga babae..

"Ang ingay naman"

Bakit ba ang daming babae dito. Nagtitilian pa. Ano bang meron?

Tinignan ko yung mga babaeng nagkukumpulan sa harap ko.

Hay naku. Mga walang magawa.

Umupo ako para mapunasan yung sapatos ko.

"Ahhhhhhhh" tilian ng mga babae.

Ano ba yan? Ang sakit sa tenga

Bumalik na ulit ako sa pagpupunas ng sapatos.

"Hoy. Di mo ba alam na pwede kang matapakan jan? " narinig kong may nagsalita sa likod ko. Pero di ko nalang papansinin. Hindi naman ako yun. Walang pumapansin sakin dito sa school. Tignan nyo walang nakaaalam na nakaupo ako dito.

" Stupid poofie! Stand up! "

Huh? Poofie? Parang kilala ko na kung sino yung nagsalita ah.
Unti unti akong humarap dun sa taong nagsalita.

At yun nga. Sino ba namang di makakatanda sa taong ito. Si master. Master ng mga masasamang tao. Master ng kasungitan. Master ng kasamaan. Ang spoiled brat na anak ni sir Suarez na ibang iba ang ugali kaysa sa kanya. Si Ethan.

Ganito kasi yun. . . .

FLASHBACK

"Choose. You will going to be my dog or you will lay your life in jail with goons?"

"Ha!?Teka. Teka lang"

"Anak anong nangyari? "

"Pa"

Lumapit samin si papa at nakita niya yung nabasag kong vase.

Naku po lagot ako nito.

Napapikit nalang ako kase kala ko magagalit sakin si papa at papagalitan ako pero kabaliktaran. Niyakap niya ako.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon