4

91 13 3
                                    


Ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko baka dala lang yun ng maghapon kakaisip ko sa kanya.

Naghahallucinate na ata ako. Wala lang yun Janelle. Tignan mo wala nga nagsalita after nun.

"Ethan"

Kinilabutan na naman ako dahil may nagsalita na naman. Yung tipong mahina yung pagkakasabi. Parang hinahanap niya. Mahina at maganda ang boses.

Naku engkanto ata yun. Wag nyo po ako kunin. Si Ethan ang dapat nyong kunin kasi siya ang hinahanap nyo.

Itinakip ko yung kamay ko sa mukha ko at dumapa.

Mas mabuti na to. Para di mo makita. Wala lang yun wala lang yun.

"Hoooooooo.... Ahoooooo!..... " may narinig na naman akong boses. Pero lalaki.

Ahhhhh...Tatay ko po. Tulungan nyo ko.

Grabe ang tibok ng puso ko. Ang bilis at ang lakas.

Dugdogdugdogdugdog

"Hahaha ikaw talaga. Bakit mo ko tinataguan? "

Huh?

May narinig na naman akong nagsalitang babae. Ano yun?

"Hello! "

"Hello! Namiss mo ba ako? "

"Konti lang! "

"Ano? "

"Joke lang"

May nag uusap. Unti unti akong bumangon.

San ba galing yung mga boses na yun?

Dahan dahan akong tumayo ng mahagip ng mga mata ko ang isang babae. Bigla akong umupo.

Sino kaya yun? Hindi naman siguro yun multo kasi may kausap siya di ba? Di din siguro yun isa sa mga baliw na humahabol sakin kanina! Kaylangan kong malaman.

Buti nalang may mga ligaw na halaman dito. Di mahahalatang may taong nagtatago sa likod nito.

Tinatry kong silipin sa pagitan ng mga dahon na ligaw ng halaman.

Huh!

Si Megan.

"Bakit siya nandito? Sinong kasama nya" bulong ko. Sisilipin ko pa.

Mas lalo akong nabigla sa nakita ko.

"Ethan" bulong ko ulit. "Anong pinag uusapan nila?"

Kaylangan kong malaman. Pwede ko itong gamiting pang black mail sa kanya para maabswelto na ako sa utang ko sa kanya.

"Sorry kung ngayon lang ako nagka time para magkita tayo. Sorry talaga. Tapos nakalimutan ko pang monsary natin" sabi ni Megan.

Ayeee.. Hihihi.. Sila pala ah. Akala ko si Kyle? Oo nga no! Nakita ko silang magkasama nung nakaraan eh.

May maganda akong idea! With devil smile.

Kinuha ko yung cellphone ko.

Kukuha lang naman ako ng mga 10 picture. Yung ibat ibang angulo para makita ang mukha nyong dalawa. Hehe

Pinag pipindot ko na yung camera. Talagang maganda ito. Ngayon ko lang napansin. May upuan pala dun. Ecopark lang ang peg. At may lamesa pa ah. Siguro hide out nila to.

"Ethan. I'm sorry talaga kasi di kita maipakilala sa lahat. I know marami akong pagkukulang sayo ,as a girlfriend pero sana maintindihan mo. I was just protecting you. I know those paparazzi, hindi ka nila titigilan kung malaman nila. Besid--"

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon