9

72 9 0
                                    


Ano bang ginagawa nito sakin?

Kanina pa ako tinitignan ng mukhang baklushing babae na to ah. Mula ulo hanggang paa. Harap at likod.

"Ano? " sabi ni Hannah.

"Lady Hannah mukhang marami kaming dapat gawin sa kanya!" sabi nung baklushing babae.

"E di kung ganun, umpisahan nyo na para matapos tayo ng sakto sa oras! "

"Teka Hannah! Ano yung gagawin sakin? At anong sakto sa oras? " tanong ko kay Hannah.

"Nakalimutan mo na? Sabi ko na nga ba eh! Birthday ngayon ni Megan."

Birthday?

FLASHBACK

"Hannah wag mong kalimutang isama si Janelle sa birthday ko sa sunday ah! "

END OF FLASHBACK

"Oo nga pala"

"And ang theme ng debut party niya ay 'The princesses and princes'. Kaya magready ka na, dapat di tayo malate"

"Ha? 10 am palang" sabi ko.

Tumingin siya dun sa baklushing babae "Co'mon. Umpisahan nyo na. Kunin nyo na siya "

Pagkasabi ni Hannah sa baklushing babae nagsnap siya. Tapos lumapit sakin yung dalawang alalay nya. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso ko at drinag ako sa isa sa mga kwarto nila Hannah.

"Sandali.. Teka lang! "

-----

Pinaligo muna nila ako. Sa Jakuzi. Sosyal. Samantalang kakaligo ko palang. Tapos winaxing ako.

Winax yung kanan kong binti.

"Ready? One, two, tree! " tapos hinila nya ng bigla.

"Aray!!!... "

Winax yung kaliwa kong binti.

"One, two" Biglang hinila nya ulit.

"Ahhhhh...wala pang tree yun ah " maluha luha kong sabi.

Tapos manicure at pedicure.

"Aray!!.. " tapos hinila ko yung kamay ko.

"Ma'am wala pa nga" sabi nung babae. Tapos kinuha ulit ang kamay ko. Nag pout lang ako.

Masakit kaya.

Pagkatapos inayusan ako ng buhok.

"Aaahhhhh!..." Sigaw ko nung sinuklayan ako ng buhok.

"Ma'am sorry po" tapos pa peace peace sign pa.

Grabe naman pagsuklay yun. Sabunot.

Pagkatapos. Make up.

"Arayyy! Huhuhu. Ang sakit! " sabi ko sabay tingin ng madama dun sa isang babaeng alalay ng baklushi.

"Sorry na po talaga ma'am. Ang galaw nyo po kasi eh. Sorry" sabi nya na halos magmakaawa. Napahawak nalang ako sa mata ko.

Napupuno na talaga ako sa mga ito. Grabe kung kumilos. Ipitin ba naman yung talukap ng mata ko. Di ka ba masaktan dun? Kanina ko pa napapansin na sinasaktan na nila ako eh. Sinasadya ba nila?

---------

"Finally Lady Hannah. Natapos din. Di naging madali ito lady"

"Bakit po? "

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon