22

36 5 0
                                    


Janelle's POV

"Tol! " sigaw nung tabachoy sa kanyang kasamang nakasubsob yung nguso sa kalye. Tulog siya dahil sa sipa ko.

Napahawak ako sa tuhod ko. Ramdam kong sumakit ang kanang paa ko. Pinang sipa ko kasi alam namang injured. Pero di ako nagpahalata dun sa mga lalaki na sumakit ang paa ko.

Pumorma nalang ako ng parang ready sa bakbakan. Pero ang buong katotohanan. Takot na takot ako.

Ito ang unang pagkakataon na makikipag bakbakan ako sa mga mukhang gangsters na tulad nila. Kadalasan self defense ang ginagawa ko kontra sa mga bully. Ngayon, iba na. Totoo na to.

May possibilidad na mapahamak talaga ako dito. Bakit pa kasi ako umepal epal pa dito? Dapat tumakbo nalang ako at humingi ng tulong eh. Kainis.

Nagtitigan kami nung lalaking may hawak kay Scarlet.

"Pakawalan nyo sila! " utos ko sa dalawang lalaki.

Tumawa ng malakas yung may hawak kay Scarlet. Napakunot noo ako.

"Parang takot na takot naman ako sayo. Nakakahiya naman sa katawan mo! Ano ka si Darna? "

Nagtinginan sila nung tabachoy.

"Tol ako ng bahala sa isang ito. Hawakan mo silang dalawa. " tapos hinawakan ng tabachoy si Scarlet. Nagpupumiglas yung dalawa sa tabachoy.

Tumingin naman sakin yung lalaking wierdo ang kilay. Tapos sinugod niya ako na parang susuntukin ako sa kaliwa kong pisngi. Maswerte ako't naiwasan ko ang pagsuntok nya. Lumayo muna ako ng sa kanya para dumistansya.

Nagulat ako dun ah! Grabe ang kaba ko. Nakakainis tumigal ka!

Nararamdaman kong unti unti ng nanginginig ang mga tuhod ko. Nakakatakot ang mukha ng lalaking ito.

Para syang taong maraming beses ng gumawa ng mga masasamang bagay. Taong di takot pumatay. Taong handang makipagpatintero sa kamatayan. Walang kinatatakutan. Walang batas na sinusunod.

Lalo kong naramdaman ang panginginig ng maisip ko ang bagay na yun.

"Mukhang takot na ang ating munting bida ah? Ano? Iyak na! Nasan ang tapang mo ha? "

Tapos sinugod niya ulit ako. Sinipa ko ang jaw line nya nung makakita ako ng opening sa kanya. Kaso ako ang lalong nasaktan. Nakalimutan kong injured ako kaya hindi solid ang tama ko sa kanya.

Tinulak nya ako kaya bumagsak ako sa sahig. Sa lakas ng tulak nya, napa aray ako sa sakit.

Hinawakan nya yung kwelyo ng damit ko at sinampal ako.

"Ang kapal ng mukha mong sipain ako. Eto ang para sayo! " sinuntok nya ako.

Wala na akong magawa. Ang lakas nya. Tanging nararamdaman ko nalang ay takot. Yung sakit ng suntok nya halos di ko na napapag tuunan ng pansin dahil sa takot.

Hanggang dito na nga lang ba ako? Di ko na ba maipagtatanggol ang sarili ko? Pano na? Ano nang gagawin ko?

"Janelle! " narinig kong sigaw ni Scarlet nung susuntukin ulit ako nung lalaki.

Nabigla ako ng sinasabunutan na nya ito.

"Salbahe ka! "

"Pano ka nakatakas?"

Napatingin ako sa tabachoy. Nakaluhod. Nakahawak siya sa maselang bahagi nya at pinaghahampas ni Erika ang likod niya.

Nakita ko ang pagpupursige ni Scarlet para maalis ang atensyon ng lalaki na yun sakin kaya pinag susuntok ko ito ng malakas.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon