12

44 9 0
                                    

"Talaga? "

"Sila na ni Ethan? "

"Panong nangyari yun? "

"Oo nga. Pano kaya? "

"Baka ginayuma niya? "

"Really? "

"Maybe. "

"Oh my gosh!"

" A girl like her! "

Eeeerrr. Nakakainis na kayo! Tama na ang tungkol sakin. Ano ba?

Simula ng bumalik ako dito sa room wala ng bukang bibig kundi ako. Mapa babae o lalaki nagkakaroon ng open forum dahil sakin. At bukod pa dun kunwari bulungan lang sila pero rinig na rinig ko naman. Sana dumating na ang teacher namin para matahimik na sila.

After namin mag usap ni Ethan pumunta muna ako sa clinic para icheck ako ng nurse.

Dapat ko lang gawin yun kasi si Ma'am magagalit yun kung bigla nalang akong nawala sa P. E. class namin di ba? At yun nalaman din niya na nagnosebleed din ako. Karma daw.

Pero pagbalik ko naman dito sa room. Puro chismisan ng mga classmate ko ang naririnig ko.

Narealize ko nalang na sina Scarlet at yung dalawa niyang alalay nasa harap ko na nakatayo.

"Bakit? " tanong ko.

"Janelle di ko alam kung pano ka naging girlfriend ni Ethan. Kung totoo ba na kayo na o hindi. Pero tandaan mo to Janelle! " sabi ni Scarlet tapos nilapit niya yung mukha niya sakin. "Hindi ka na namin sasaktan o bubullyhin! "

"Ha? " sagot ko.

"Pero dahil lang sa sinabi yun ni Ethan! Dahil lang sa pinagbawalan nya kami. " sabi ni Risa.

"Pero wag mong iexpect na magtatagal kayo! Kasi sure ko marerealize din ni Ethan na hindi ka nya gusto. Na hindi kayo bagay. " sabi ni Erika.

"Na hindi kayo magkalevel! " sabi ni Risa.

"Janelle. Once na magbreak kayo sigurado kong matatakot kang inagaw mo samin si Ethan. Tandaan mo yan! " sabi ni Scarlet tapos dumating na yung teacher namin kaya bumalik na ulit sila sa mga upuan nila.

Death threat ba yun?

Mukhang tama nga si Ethan. Malalagot ako pagnalaman na nila na kami ay fake lang. Sigurado ko yun! Pano yan. May senior high pa ako sa school na ito. Pwera na lang kung lilipat nalang ako ng school pag senior high na.

-------

Lumipas ang oras.

"Class dismiss"

Buti nalang uwian na. Salamat naman.

Iniligpit ko na yung mga gamit ko at dumiretso sa locker para maitabi ko na yung di ko kaylangan.

Biglang nagring ang cellphone ko.

Incoming call MasterDogPoofie...

Sinagot ko.

"Hello? "

"Bilisan mo. I'm here at the front of gate. Sumabay kana sakin sa bahay ka din naman pupunta. "

"Ano? "

"I'm pretending like your boyfriend di ba? I should act like that you know! Hurry up. " then he end the call.

Totoo ba to?

Pagdating ko sa labas. Nakita kong nasa gilid siya ng kotse niya tapos nakasandal siya dito.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon