27

35 3 0
                                    

"Ang tagal naman. Pwede bang mauna na tayong maglibot dito? Kala ko pa naman kung anong special dito sa peryahan na sinasabi nyo, parang simpleng amusement park lang pala ito oh! Pero medyo maraming tao at maingay! " tinignan ko siya ng masama.

"Hay naku. Nakakainis na ang kakareklamo mo. Di naman kita niyaya na sumama sakin no kaya wag kang reklamo ng reklamo. Maggala ka mag isa mo. Mind you own business! "

"You should be the one to thank me. Buti pa nga sinamahan kita. Kung di ako sumama sayo di ka papayagang papupuntahin ni lola dito! " sagot niya na nagcross arm pa.

"Hay naku. Bahala ka. " tapos biglang nahagip ng mata ko na papalapit na sa direksyon namin si Miguel. "Migs dito! " kumaway ako.

"Hi Nel. Sorry late ako. Napag utusan pa ni nanay eh! " sabi niya habang kinakapos pa ng hininga dahil sa pagtakbo.

"Okay lang. Tara na maglibot na tayo. " tapos isinabit ko sa braso niya ang braso ko at hinatak ko siya sa nakita kong umpukan ng tao na mga naglalaro.

"Ah yan yung color guessing. Taya tayo Migs. " sabi ko sabay bitiw sa kanya at kumuha ng pera sa wallet.

"Color green sakin kuya! " sabi ni Migs.

Mmmm. Ano kayang color?

"Red sakin kuya. Red! " sabi ko.

"Okay. Wala ng tataya? " tanong nung manong na may hawak ng dice.

Ito yung may anim na color ang side ng dice tapos huhulaan mo kung anong lalabas na kulay. Triple ang price depende kung magkano ang itataya mo.

"Go go go red! " bulong ko.

Nagulat kami kasi may nagtaya ng 100 pesos sa kulay yellow.

"Ethan? Ano ka ba? Unang sabak mo palang 100 na agad ang taya mo?" sabi ko ng mapansin na katabi ko pala siya.

"Go kuya. Roll it! " sabi niya na deadma lang sakin. " Learn from the expert Janelle. " sabi nya sabay tingin sakin.

Ayan na. Nagready na si kuya.

And

"Yellow? " gulat na sabay sabay na sigaw naming lahat.

"Well. Di mo natatanong, I'm a lucky one. Lagi akong maswerte sa mga ganitong bagay. Bilib ka no? " pagmamayabang nya sakin.

Wow. Mukha nga. Unang sabak niya palang Jackpot na. Wow talaga. Pero di nya ko madadala sa ganyang pag papacute.

"Tara na nga Migs. Boring dito. May kj kasi eh!" tapos drinag ko si Miguel papunta sa isa pang kumpulan.

Napansin ko namang hahabol sana si Ethan samin kaso pinigilan sya nung nagpatayang lalaki. Kamot-ulo siya kasi lugi siya kay Ethan.

Ewan ko lang kung pano nya mareremedyohan yan.

"Migs namiss ko to. May mga barya ka ba? Pabarya ako. "

"Oo. Ito oh. "

Napwestuhan naman namin yung maghahagis ka ng piso sa isang mesa na may mga grid lines. Ang iba dun may nakasulat na price like baso, tasa, mangkok o kaya limang piso, sampung piso, bente o sikwenta. Pag natapat ang piso mo sa square na may nakasulat na prize. Mapapasayo yun.

I really love this game. Mula nung unang bakasyon ko dito tanda ko nun buhay pa si mama, nilalaro namin ito. Nauubos lang lahat ng hingi kong barya kay mama dahil lang sa kakahagis ko wala naman akong nakukuha.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon