25

37 5 1
                                    


"Yan tisoy magmerienda ka muna." sabay lapag ni lola ng ginataan sa harap namin ni Ethan.

"Ah eh. Salamat po." sabay kuha naman ni Ethan ng mangkok na inabot ni Kuya Jasper sa kanya.

"Ikaw talaga nel-nel. Di mo man lang pinatuloy dito sa amin itong si tisoy. Kita mo nang nagdrive ng kalayo layo yung tao, di mo man lang pinadaan dito para makapagpahinga." sabi sakin ni Kuya Jasper.

"Ha? " sabi ko habang kinuha naman ang mangkok na iniabot sakin at napatingin pa kay Ethan na binigyan ito ng look na 'magpaliwanag ka'.

"Kasi... " sabi naman nya.

"Tinatanong mo kung pano ko nalaman? " sabi ni kuya. "Pumunta ako sa bayan. Nakita kita bumaba sa kotse nya. Nung iniwan mo na siya hinarang ko. At dinala ko dito. " pagpapatuloy ni kuya.

Pinagsingkitan ko ng mata si Ethan. Nagkibit balikat lang siya.

Kaya pala nandito itong kolokoy na to.

"Hoy Ethan. Pano mo nagawang sumama kay kuya? Pano kung budol budol gang yan? E di napahamak ka pa. Di mo man lang naisip yun? " pumasok sa isip ko ang mga bagay na yun kaya itinanong ko narin.

"Oo nga no! Di ko din naisip yun! Pano pala kung siya yung nagbudol budol sayo tapos pinatuloy ko pa siya dito sa bahay. Napahamak pa tayo kung ganun man. " sabi ni kuya Jasper.

"Ah opo nga no? Bakit di nyo naisip yun kuya?" sabi ko.

"Alam nyo kahit ako di ko maiisip na budol budol siya. Tignan nyo naman si tisoy." sabi ni lola tapos napatingin kami kay Ethan. Napakunot noo siya.

Hindi nga mukhang budol budol tong taong to. Baka pa nga ito ang mabudol dahil sa kagwapuhan nito. Halatang halata na anak mayaman. Napakaputi at mukhang walang kalibag libag.

"Ha? Ano po ba yung budol budol? " naglakihan ang mga mata namin nung narinig naming sinabi yun ni Ethan tapos napatawa kami.

"Hahahaha. Tisoy. Taga san ka ba?Bakit di mo alam ang budol budol? Hahaha" tanong ni Lola.

"Pasensya na po. Di ko talaga alam. Ano po ba yun? "

Napailing nalang ako.

"Yun yung tawag sa mga manlolokong tao. Kakausapin ka, bobolahin tapos pag magpatangay ka sa mga sinasabi nila, nanakawan ka! "

"Tisoy. Ano nga palang pangalang mo? "

"Ethan po. Ethan Suarez. "

"Ah.. Ethan. Ako si Lola Josephine nitong si Janelle. Ito naman si Jasper, pinsan niya. Yung iba kong apo wala pa dito. Mamaya pa sila dadating. Yung isang umalis, si Joseph. "

"Ah ganun po ba. Pleasure to meet you po" tapos nag ngitian sila.

Saglit na nanahimik kaming lahat.

"Manliligaw ka ba nitong si Janelle? " nagulat ako sa tanong ni kuya Jasper. Halos mabilaukan ako.

"Hindi po kuya. Kayo naman oh"

"Eh bakit ka niya hinatid ha? Tisoy. Manliligaw ka ba nito? " sabi ni kuya sabay duro pa sakin.
Kabadong hinintay ko ang isasagot ni Ethan.

"H-hindi po"

Expected ko na ang sagot niyang iyon pero.

Parang may kumurot sa puso ko.

Ang sakit.

"M-magkaibigan po kami lola. Magkaschoolmate din. " pagpapatuloy ko.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon