26

33 4 0
                                    


"Gising na! Bangon na jan! Bangon na! "

Ah.. Ano ba yan? Ano ba yung maingay na pinupukpok ni Joseph?

"Gising na sinyorita! Bumangon ka na jan! " sigaw ni Joseph sa tenga ko.

"Hmmm! " sagot ko sabay takip ng unan sa ulo ko.

Ayoko pang bumangon. Inaantok pa talaga ako.

"Lola ayaw padin niyang bumangon! " sumbong ni Joseph na alam kong pumunta sa pinto para marinig ni lola.

Rinig ko namang sagot ni lola.

"Hayaan mo na lang Joseph. Pabayaan mong matulog at sigurado kong di nakatulog yan kagabi! "

Napatingi ako ng marinig ko yun.

Beh. :P

"Ate nel"

"Ah! " dinag-anan ako ni Daniel. "Daniel! "

"Gigising na si ate" pangungulit ni Daniel.

Wala na akong choice kundi bumangon.

Kinusot kusot ko ang mga mata ko habang bumabangon.

"Good morning ate! " sabay kiss sa cheeks ko.

Binigyan ko siya malaking ngiti. Tapos ki niss ko din siya.

"Morning. "

"Sabi ko na nga ba si Daniel lang ang makakapagbangon sayo!"

Binigyan ko ng singkit na mata na tingin si Joseph.

"Pilyo ka ah. Alam mo kasi na kapag nabadtrip ako sayo makakatikim ka ng power punch ko eh. " tumayo ako at pang asar na nilapitan si Joseph. Palapit palang akong tumakbo na siya.

"Kala mo Joseph mamaya ka sakin! "

Humarap ako kay Daniel.

"Baby thank you sa pag gising sakin ah. Punta ka muna kina mama mo. Maghihilamos lang si Ate Nel ah. "

"Sige po"

"Good boy talaga oh! "

----

Ethan's POV

"Ethan. Pang ilang mo nang tingin sa orasan mo ha? Pang sampo? " sabi ni Janelle na nakacross arm pa.

"Pang lima palang. Marunong ka ba talagang magbilang? Ang tagal tagal naman kasi. 20 minutes na tayo nandito ah, wala pa ba? " sabi ko sabay tingin ulit sa orasan ko.

"Anong magagawa ko eh ganito talaga dito. At ikaw ang nagpapasama sakin hindi ako. Dapat nga ako pa ang nagrereklamo. Hayyy " tapos nag hikab siya.

Kahit ako inaantok padin eh. Kasi naman pano ka makakatulog kung ang mga kasama mo sa kwarto ang iingay.

"Oh Ethan meron nang jeep!"

Huminto ang jeep halos katapat namin. Mukhang occupied na ang jeep ang dami na kasing sakay.

"Kuya dalawa? Kasya pa ba? " tanong ni Janelle.

"Isa na lang ineng! " sagot ng driver.

May isa pa ba jan? Eh kahit sa labas may nakasabit na din eh.

"Sasabit na lang ako Janelle. Tara na baka abutin pa tayo ng bukas dito! Bilis na! " tapos drinag ko siya papuntang jeep.

"W-wait lang. Baka mahulog ka? " sabi niya bago sumakay sa loob ng jeep.

Say you'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon