Chapter One: The Rookie Meets the Hustler.

77 3 1
                                    

“Akin na kasi.”-ako

“Ayaw ko nga sabi eh!” -labbs

“Ibigay mo na lang kasi.” -ako

“Umuwi ka na nga!” -labbs

kanina pa kami nag-aaway ng bruhong 'to. kanina ko pa inaagaw 'yung hawak niya. pero ayaw talaga ibigay sa 'kin. lagi na lang ganito. ang tagal ko na siyang kinoconvince na tigilan na niya pero ayaw pa din pabawal. tsk. ang dami na talagang nagbago sa kanya. kelan kaya siya babalik? pambihira. namimiss ko na 'yung dating siya.

hindi naman kasi siya dating ganyan. dati, mas makulit pa siya kesa ngayon. dati, hindi niya ako hahayaang mag-isa. dati hindi niya hahayaan na malungkot ako. dati, mahal niya ako. dati.

ngayon, ewan ko na. ngayon, lagi na siyang iritado 'pag dating sa 'kin, sa amin. ngayon, hindi na siya sa bahay nakatira, wala na siyang paki kung ako lang mag-isang pupunta du'n, diyan, everywhere. ngayon, wala na siya para pasiyahin ako, wala na siya para pangitiin ako dahil lang sa hindi ako pinansin ng crush ko sa iskul. ngayon, hindi ko alam kung mahal niya pa ako. hindi ko alam kung mahal niya pa kami.

nagbago na talaga siya. kaya pati tuloy ako, nabago niya.

“akin na nga kasi sabi e!” -ako

“ba't ba ang kulit mo?! nakakairita ka na ah!” -labbs

“concern lang naman kasi ako sayo.” -ako

“hindi ko kelangan 'yung concern mo pwede? kaya ko sarili ko.” -labbs

“hindi kita titigilan hangga't 'di ka tumitigil sa paghithit dyan.” -ako

“hindi ako titigil kaya bahala ka dyan. kung ako sa'yo, uuwi na lang ako. wala ka din namang mapapala e!” -labbs

“meron.” -ako

“wala.” -labbs

“meron nga.” -ako

“wala nga.” -labbs

“kulit, meron.” -ako

“wala.” -labbs

“sige, bigyan mo 'ko ng dahilan kung bakit 'di mo titigilan 'yang paghithit mo sa pesteng yosi na 'yan?!” -ako

sasagutin na niya sana ako ng biglang bumukas ang napakaepal na pintuan. at iniluwal ang tatlong kaluluwa este lalaking. infairness naman, mukha silang nilalang. at 'pag sinabi kong nilalang, ee may mga itsura o gwapo ang mga lalaking iniluwal ng epal na door.

nagsalita ang lalaking mukhang walang problema at nakangisi nang nakakaloko.

“Bro, bago mong chick? nice one! maganda siya a, kamukha mo pa pare!”

---------------

Comment po :) hehehe please vote na din po :)

-mariaxen

The Opposite's GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon